Vice Ganda wins this award at MMFF 2024 Gabi Ng Parangal

Sa kauna-unahang pagkakataon, nanalo ng award si Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival 2024.

Pinarangalan siya ng special jury citation para sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang And The Breadwinner Is…

Halata ang pagkagulat sa mukha ni Vice nang tawagin ang pangalan niya ng presenters na sina Dennis Trillo at Lorna Tolentino.

Pagtuntong ng stage sa Solaire Grand Ballroom, hindi pa agad nag-speech si Vice.

Sabay inihayag niya na nagtanong pa raw siya sa director na si Jun Lana at co-star na si Eugene Domingo kung para saan ang award.

Ipinaliwanag niya na hindi niya naiintindihan kung ang Special Jury Citation ay para sa pagiging best dressed o best performance.

SPECIAL JURY CITATION

Sa puntong ito, sumingit si Lorna at sinabing babasahin nila ni Dennis ang paliwanag sa natanggap na award ni Vice

Nakapaloob sa cue card nina Dennis at Lorna ang explanation sa award pero hindi ito nabasa bago tawagin si Vice.

Dito nabigyang linaw na ang natatanging pagganap ni Vice sa pelikula ang pinarangalan ng mga hurado ng MMFF 2024.

Saka nagpasalamat si Vice na direktang sinabi na ito ang unang pagkakataon na nanalo siya ng award sa MMFF gayong maraming beses na siyang bumida sa mga nakaraang filmfest.

Lubos ang pasasalamat niya sa mga hurado na kinilala ang kanyang pag-arte.

VICE GANDA DEDICATES AWARD TO WORKMATES, LOVED ONES, ABS-CBN

Pagkatapos ay dinedicate niya ang award sa mga bumubuo ng pelikula, una na ang direktor na si Jun Lana, na gumabay sa kanya sa paggawa ng comedy-drama film.

Ibinahagi rin ni Vice ang award kay Eugene Domingo, na aniya’y deserving na manalo o kahit ma-nominate bilang Best Supporting Actress.

Binanggit din niya ang co-stars na sina Maris Racal, Gladys Reyes at Malou Guzman.

Nagpasalamat siya sa ABS-CBN sa pagbigay sa kanya ng oportunidad, kahit na alam daw niya na nahaharap pa rin sa maraming pagsubok ang kumpanya dahil sa kawalan ng prankisa.

Dinedicate rin ni Vice ang award sa asawang si Ion Perez, na aniya’y pinakamasaya para sa kanya.

Hindi rin niya nalimutang i-dedicate ang award sa ina, na alam daw niyang excited dahil mayroon na naman itong madi-display na trophy niya.

Humirit din si Vice na hahabaan na niya ang kanyang speech, dahil ramdam daw niya na ang pagkapanalo niya ng Special Jury Citation ay nangangahulugang di niya makukuha ang Best Actor Award.

Biro niya, pang-first runner up daw ang peg ng kanyang award.

Pero sa huli, idiniin ni Vice na nagpapasalamat siya sa mga hurado sa pagkilala sa kanyang pag-arte.

VICE GANDA ACCEPTANCE SPEECH IN FULL

Narito ang kabuuan ng kanyang speech:

“I have long been waiting for this. At last, finally I am seen. Hindi joke yun.

Vice Ganda gets Special Jury Citation award from 50th MMFF

“Maraming-maraming salamat sa pagkilala na yun. Thank you so much tonight I am seen. With this movie, with this project, I am finally seen.

“I have been participating in the Metro Manila Film Festival for years. This is the first time na meron akong award.

“Maraming, maraming, maraming salamat sa pagkakataon na ibinigay pa rin sa akin ng ABS-CBN. Sa mga panahon na hirap na hirap na yung kumpanyang kinabibilangan ko, pinipilit pa rin nilang gumawa ng magagandang proyekto, magagandang content.

“At nagpapasalamat ako dahil sa mga pagkakataong di na nila kayang gumawa ng maraming-maraming proyekto, maraming-maraming content, isa ako sa pinipinili nilang gumawa ng pelikulang ilalabas nila bawat taon.

“At maraming-maraming salamat kay Direk Jun Lana binigyan mo ako ng ganitong istorya. Binigyan mo ako ng ganitong istorya na inaantay na rin ng marami.

“Binigyan mo ako ng ganitong pagkakataong gumanap sa isang karakter na hindi lang magpapatawa, hindi lang mang-aaliw sa mga manonood, kundi tutusok sa mga puso at kaluluwa ng makakakita dito, at makakapagbigay ng maraming realizations at maraming-maraming aral sa makakatunghay ng pelikulang ito. Maraming-maraming salamat sa paggabay mo.

“At…

“My god hahabaan ko na! Dahil baka ibig sabihin ng award na ito hindi ako magbe-best actor!

“Baka ito yung mga award sa mga first runner-up. Yung baka, ‘Sayang naman ang outfit. Paakyatin na natin, sikat naman siya. For star value moment.’

“Pero, Special Jury Citation, maraming salamat sa pagkilala at sini-share ko ito sa mga kapwa artista ko sa pelikulang ito.

“I also share this to Eugene Domingo, who I strongly and absolutely believe also deserve to at least be nominated for the best supporting actress. Gayundin is Gladys Reyes, Maris Racal, at ang nanay kong si Malou Santos. Producer ko pala yun! Malou De Guzman. Malou Santos, naging artista!

“Maraming-maraming salamat.

“Di ko alam kung ano sasabihin ko. Gusto kong i-share ito sa nanay ko. Nanay, mabigat na mabigat. Meron ka nanaman idi-display, pupunasan at ipagmamalaki sa mga kasama mo sa simbahan habang pinagrorosaryo niyo ako.

“At inaalay ko ito sa aking asawa na si Ion Perez. Siya ang pinakamasaya rito.

“At inaalay ko ito sa lahat ng LGBTQIA+ community. Para sa ating rahat ito.

“Maraming salamat Metro Manila Film Festival at kinikilala niyo aka, at ang kakayahan ko, isang baklang performer.”