Nikki Valdez raves about Kapuso co-stars in Lolong

Maganda ang pasok ng 2025 para kay Nikki Valdez dahil nakasama siya sa malaking cast ng Lolong: Bayani Ng Bayan ng GMA Public Affairs.

Sa naganap na grand mediacon para sa season 2 ng action-series sa Quantum Skyview ng Gateway 2, Cubao, Quezon City, noong January 13, nagpapasalamat ang Kapamilya actress sa pagkakataong makapagtrabaho ulit sa Kapuso Network after ng 2023 teleserye na Unbreak My Heart, ang first series collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN 2.

“Nakakatuwa lang kasi the the inquiry came through Star Magic. So, at least ito, may chance na makalipat-lipat ng network.

“I mean, lahat naman tayo, doon lang tayo kung saan may trabaho. Saka noon, nung nagsisimula ako, nakakalipat-lipat naman ako. Nakapag-guest na ako sa GMA noon.

“So, this is the beauty of, you know, being able to transfer networks now. And sobrang bait nila sa akin kaya wala akong masabi.

“I mean, okay rin naman sa ABS, but syempre, kumbaga ako, alien ako dito, e. Pero, never naparamdam sa akin na, ‘O, you don’t belong here.’ or ‘You’re not welcome.’ Sobrang friendly nila talaga.

“At saka kami naman mga artista, magkakaibang bakod man kami nagtatrabaho pero magkakaibigan naman kami.

“Kasi isa lang ang mundo na ginagalawan natin. Tayo-tayo lang yung nagkikita, di ba?”

NIKKI VALDEZ’S ROLE IN LOLONG

Sa Lolong: Bayani Ng Bayan, gagampanan ni Nikki ang papel ni Jessabel, ang mabait at protective na tiyahin ni Lolong na ginagampanan ni Ruru Madrid.

“I like my role here because it’s happy. Magaan siya. Magkapatid kami dito ni Ms. Tetchie Agbayani at pumunta ako sa bayan namin para makitira kila Lolong dahil yung anak ko ay sumama sa tatay niya sa Canada. Dahil sobra kong nami-miss ang anak ko, binuhos ko love ko sa pamangkin kong si Lolong.

“At kung si Lolong ay tagapagtanggol ng bayan, ako, I will fight for him. Sinu-support ko siya sa kung ano gusto niya. Hindi ko naman siya ini-spoil, pero love na love ko dito si Lolong.

“Medyo on the comedic side ako, which is refreshing, happy but heartwarming. The role is very, very me kaya hindi ako nahirapan.”

Bukod sa Lolong, bumalik din si Nikki sa kanyang first love, which is singing and performing onstage.

NIKKI VALDEZ’S FIRST LOVE

Magbibida ito sa local adaptation ng 2009 Broadway musical titled Next To Normal sa February 2025 at the Power Mac Center Spotlight Blackbox Theater in Circuit Makati.

Kasama ni Nikki sa musical sina Sheila Valderrama-Martinez, OJ Mariano, Sheena Belarmino, Vino Mabalot, Omar Uddin, Benedix Ramos, at Floyd Tena.

Tungkol sa aftershocks of grief and mental health.

Gagampanan ni Nikki ang role ni Diana Goodman, a mother who struggles with bipolar disorder. Si Alice Ripley ang gumanap sa Broadway version.

“It’s a different kind of musical na may awareness at advocacy ng mental health and grief. Magdala kayo ng tissue dahil iiyak kayo. But it’s a good kind of cry. Masarap ang release. And at the same time, you’re learning a lot about mental health and grief.”

Sa tulong daw ng production staff ng Lolong ay nagawa raw mapagsabay ni Nikki ang taping at ang rehearsals niya para sa Next To Normal.

“Alam mo, nagte-taping na ako for Lolong then sabay ko nalaman that I passed the audition sa musical. Nagpapasalamat ako kasi ang ganda nung tapos ng 2024 sa akin at ang ganda ng simula ng 2025. I’m doing both what I love and at the same time naayos nila yung schedule ko kaya everything fell into place.

“Nakakapag-rehearse ako and nakakapag-taping ako. Kaya malaking pagpapasalamat ko na kaya palang i-traffic ang schedule ko.”

NIKKI VALDEZ’S DAUGHTER

Sa personal na buhay ni Nikki, masaya at kuntento ito.

After ma-divorce sa kanyang first husband na si Christopher Lina in 2011, she remarried in 2018 to Luis Garcia.

nikki valdez family

Ang 16-year old daughter si Nikki na si Olivia Ysabelle ay nakitaan niya ng hilig sa pagsayaw.

“She’s a born dancer. Ang anak ko, kinaiinggitan ko kasi hindi ako magaling sumayaw. Nakakasayaw ako, pero pag-aaralan ko muna.

“But Olivia is a natural at saka self-taught. Manonood lang yun sa YouTube or Tiktok, alam na niya agad yung steps.

“Kahit na exposed si Olivia sa work ko, hindi ko masabi if she will follow my footsteps. But she’s into the arts. She just needs to know kung ano ang gusto niya.

“Ang lagi lang naman na advice ko sa kanya is to follow her heart. Ano ba yung passion niya?

“But at the same time, of course, pag tumatanda ka, kailangan mo ng stability, di ba? Kailangang kumikita ka nang tama din.

“Gusto ko naman gano’n. Kasi pinalaki ko yung anak ko so she can spread her wings on her own.

“Ayoko naman yung forever na naka-depend siya sa akin. So I want her to have a life of her own. Siyempre dapat ay good life.”

Kabilang si Nikki na ni-launch ng ABS-CBN via Star Circle Batch 4 in 1997. Ka-batch niya sina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Dimples Romana, Dominic Ochoa, Julia Clarete, Carol Banawa, Vanessa del Bianco, Anna Larrucea, Paula Peralejo, Miggy Tanchangco, Steven Alonso, at Sarji Ruiz.

Ilan sa mga naging shows ni Nikki sa Kapamilya network ay ASAP, Gimik, Okey Fine! Whatever, Basta’t Kasama Kita, Ang Tanging Ina, Walang Kapalit, Magkano Ang Iyong Dangal?, Imortal, Kung Ako’y Iiwan Mo, And I Love You So, FPJ’s Ang Probinsyano, La Luna Sangre, A Soldier’s Heart, Pira-Pirasong Pangarap, at Pamilya Sagrado.

Nakasama naman si Nikki sa mga blockbusters films tulad ng Got 2 Believe (2002), Ang Tanging Ina (2003), Ang Tanging Ina N’yong Lahat (2008), Ang Tanging Ina Mo: Last na ‘To! (2010), The Unkabogable Praybeyt Benjamin (2011), Enteng Ng Ina Mo (2011), and The Amazing Praybeyt Benjamin (2014).

Humakot naman ng awards for Best Supporting Actress si Nikki mula sa FAMAS, Gawad Pasado, at Eddy Awards para sa pelikulang Family Matters (2023).