Gabbi Garcia to host Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab

Ang Kapuso na si Gabbi Garcia ang magiging bagong host sa susunod na season ng Pinoy Big Brother (PBB).

Ito ang inanunsiyo ng GMA-7 at ABS-CBN ngayong araw, February 9, 2025.

Napili ang Kapuso actress na maging host sa PBB Celebrity Edition Collab, ang inaabangan nang season ng reality show na ipapalabas sa Kapuso network.

Sasamahan niya ang mainstay hosts ng PBB mula sa Kapamilya network, na sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez.

Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Gabbi na excited na siya para sa bagong show.

Ibinulgar din niya na binalak niyang sumali sa PBB 13 years ago.

“Fun fact: Back in 2012, I auditioned for PBB Teen Edition Season 4! (Check last 2 photos! ????) Fast forward to 2025—looks like I was meant to host it instead! Or who knows? Maybe there’s still more in store,” saad ng 26-year-old Encantadia star.

Gabbi Garcia
Gabbi Garcia auditioning to be a Housemate back in 2012. 

Tradisyon sa PBB na ang mga nagiging host nito ay mga dating housemates sa bahay ni kuya.

Sa katunayan, si Robi ay ang runner-up sa PBB Teen Edition Plus noong 2008. Si Bianca naman ay third-placer ng PBB Celebrity Edition 1 noong 2006.

Kung hindi naging dating housemate ang host ay pinapasok naman ito nang ilang araw sa Bahay ni Kuya bilang houseguest.

Naranasan ito ng dating mga PBB host na sina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.