BLIND ITEM: Two breakups, what went wrong?

Some good things never last.”

Ito marahil ang kantang makapaglalarawan sa breakups ng dalawang showbiz couples.

Yung isa, na tatawagin nating Perfect Pair, aakalaing sila na ang forever ng isa’t isa. Super bagay kasi, at parehong handa na para mag-settle down.

Yung isa, na babansagan nating Charming Couple, maraming fans ang nag-hopya na magkatululuyan sila. Nasa marrying age na rin naman kasi sila kaya, di ba, iisiping kasal na ang ending?

Pero bigla na lang naunsiyami ang plans nina Perfect Pair para sa kanilang relasyon.

Napansin na lang one day na tila nagdi-dissociate na from each other si Perfect Pair hanggang sa aminin nilang break na sila.

Si Charming Couple naman, tila bigla na lang nag-fizzle out ang romance.

Walang anumang announcement tungkol sa kanilang breakup.

Basta bigla na lang sila tumigil mag-post sa social-media feeds nila nang magksama.

Kung gaano kaingay ang pagkakadiskubre sa relasyon nila, siya namang tahimik ng paghihiwalay nila.

WHAT CAUSED THE BREAKUP?

Bakit sila naghiwalay?

Puro mga haka-haka ang lumabas na rason sa hiwalayan ng Perfect Pair kaya hindi tuloy malaman kung ano ang totoo.

Perong isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nakapagsabing “wrong timing” ang primary reason.

Ang dami kasing nangyari lalo na sa life ng isa sa kanila.

Sa sobrang lungkot niya, parang hindi niya masabayan ang enthusiasm ni ka-pair.

Understandable naman kung bakit ganun na lang ang naging pressure, major life event kasi.

May pinaghahandaan silang milestone sana sa kanilang relationship.

Pero hindi nakausad dahil parang isa lang ang may maraming energy.

Dapat dual effort o shared endeavor iyon, pero tila hindi nagpa-particpate si ka-pair, kaya ayun, hindi natuloy. Naunsiyami.

In the end, naghiwalay siya.

Si Charming Couple naman, parang kay bilis nilang mag-move on. Ni hindi na-announce na nag-break sila.

Basta, bigla na lang silang naging mag-ex.

Ang isa sa kanila, ayon sa isa pang PEP source, mukhang may something na sa taong kaibigan ni ex.

Ang isa naman, maraming sightings kasama ang dati niyang ex.

In short, the end na ang yugto ng romance nila.

Mukha namang sina Perfect Pair at Charming Couple ay moving on wonderfully.

At hindi kataka-taka kung sa 2025 ay mapabalitang may jowa reveal sila.

At the end of the day, everybody deserves to be happy.

Pruweba rin ito na kung hindi ukol, hindi talaga bubukol.

Sana lahat ay happy and lucky in love this new year.