Ilang linggo matapos ang cheating issue na kinasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings ay hindi pa rin nakikitang magkasama ang dalawa.
Ito ay kahit magkasama sila sa Incognito, ang bagong Kapamilya action drama na eere na sa susunod na buwan.
Usap-usapan nga ngayon online ang hindi pagdalo ni Maris sa Christmas party ng naturang teleserye noong gabi ng Biyernes, December 20.
Sa ilang mga video at pictures na kuha sa party na naka-upload sa Facebook, Twitter at Tiktok, kitang-kita na nagkakasiyahan ang cast ng Incognito. Kasama ni Anthony sa sayawan at kantahan sina Daniel Padilla, Polo Ravales, Kaila Estrada, Ian Veneracion at Richard Gutierrez.
Wala si Maris sa lahat ng videos at photos ng party.
Hindi malinaw kung bakit wala si Maris sa naturang kasiyahan.
PUMUNTA SI MARIS SA MT. ULAP
Samantala, kumalat naman online ang mga picture ng recent hiking trip ni Maris.
Sa Facebook post ng tour guide na si Conz Asmin sa Facebook, kitang-kita na sumama ang Kapamilya actress sa pag-akyat sa Mt. Ulap sa Benguet.