Engaged na ang aktres na si Louise delos Reyes sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Jino.
Sa Instagram post ni Louise nitong Linggo, December 23, 2024, masaya niyang ibinahagi ang naging proposal sa kanya ni Jino.
Kalakip nito ang ilang litrato kung saan si Louise ay nakayakap sa nobyo, at isa pa kung saan ipinapakita niya ang kanyang engagement ring.
Base sa post, naganap ang proposal ni Jino kay Louise sa Hilton London Syon Park, sa United Kingdom, kunsaan sila nagbakasyon.
Mababasa sa caption ng aktres (published as is), “Yes [red heart emoji] #122124 .”
CONGRATULATORY MESSAGES KAY LOUISE AT JINO
Sa comments section ng post ay bumuhos ang pakiramdam ng ilan sa mga kaibigan at fans ni Louise.
Kabilang sa mga nagpahatid ng congratulatory messages sina Barbie Forteza , Bea Binene , Carla Abellana , Ryza Cenon, Karen Reyes, Janno Gibs, at Benj Manalo.
Komento ni Babie at Ryza Cenon, ” Congratulations!!!!”
Saad naman ni Bea, “OMYGAHDDDDDDD!!!”
Pagbati ni Carla, “Congratulations, Louise!”
“Waaahhh congrats sis!!!” sabi ni Karen.
Bati naman ni Janno (published as is), “Congrats .”
“Congratssssss!!!!,” dagdag pa ni Benj.
LOUISE-JINO RELATIONSHIP
Anim na taon nang magkasintahan sina Louise at Jino bago sila ma-engage.
Noong June 28, 2024, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang sixth anniversary. Nag-post si Louise sa Instagram ng larawan nila ni Jino na kuha sa kanilang anniversary celebration.
Mensahe noon ni Louise kay Jino, “Anim na taon na kaming magkasama, at hindi ako makapaghintay na makita kung ano ang hinaharap namin.
“Salamat sa pagiging bato ko at mga pakpak ko, sa hindi paghingi ng anumang kapalit, at sa palaging pag-uuna sa akin.
“Ikaw ang aking matalik na kaibigan, ang aking kapayapaan, ang aking puso, ang aking tahanan. Mahal kita.
“Happy 6th anniversary, Jino.”
MGA DATING RELASYON NI LOUISE
Ang bokalista ng bandang Hale na si Champ Lui-Pio ang huling napabalitang karelasyon ni Louise bago nitong makilala si Jino.
Bago ito, naging karelasyon din ng aktres ang aktor na si Aljur Abrenica.
Noong October 2017 nang ipagtapat ni Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon sila ng relasyon ni Louise.
Ayon kay Aljur, ito ay noong ginagawa nila ang defunct primetime series na Kambal Sirena (2014) sa GMA-7.
Tumagal lang daw ng “isang buwan” ang relasyon nila ni Louise, at nauwi rin sa hiwalayan.
Saad noon ni Aljur, “Magulo kasi nung time na yun, e.
“We just realized na mas mabuting magkaibigan na lang kami.”
December 20, 2024, sa presscon ng pelikulang Deleter na entry ng Viva Films sa 48th Metro Manila Film Festival ( MMFF ), kunsaan isa sa cast si Louise, ay muling naungkat ang relasyon nila noon ni Aljur.
Ngunit halatang ayaw itong pag-usapan ni Louise.
Aniya, ayaw na niyang balikan at uriratin pa kung ano talaga ang namagitan sa kanila ni Aljur nang mag- katambal sila sa Kambal Sirena.
Hindi niya diretsahan inaming naging sila nung ginagawa nila ang Kapuso fantasy series, kagaya ng pag-amin ni Aljur.
Sabi lang ni Louise: “Siguro kasi may masamang memories na kasama sa mga tao na yun, na alam mo na hindi siya basta-basta… hindi ko siya nakalimutan.
“Pero yung emosyon… wala na akong galit, wala na akong kahit ano. Wala na talaga.
“Pero yung experience lang, ano yun, e, dark times kasi. Kaya ayoko na lang i-associate, ayoko nang isipin yun, move forward na lang tayo.”
Hindi niya gaanong ma-describe ang naging relasyon nila noon ni Aljur, pero gusto na raw niyang kalimutan ito.
Naging civil naman sila sa isa’t isa nang nagkasama sila sa FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.
“Hindi naman sa naging pangit. Siguro yung start, naging pangit hanggang sa gitna.
“Parang andun yung care, andun yung love, pero may nawalang element na hindi mo puwedeng i-push yung relationship kung wala yun.
“Walang peace of mind, di ba? Kapag may relasyon kayo, merong peace of mind, walang naging ganun.
“Tapos, masyado nang publicized yung lahat. So, parang hindi na talaga puwedeng ipagpatuloy. Pero we remained… siguro hindi friends, pero casual.
“Kasi siyempre, maliit lang naman ang mundo ng showbiz, e. Magkakasama at magkakasama kayo magkikita kayo.
“Walang bad blood, walang ganun. Trabaho na lang tayo,” saad ni Louise.