Hindi Mo Akalain! Paano Nakayanan ni Kris Aquino ang Mga Mapanira at Fake News?

Kris Aquino health update noong Disyembre 22 2024
Itinanggi ng malapit na kaibigan ni Kris Aquino ang fake news tungkol sa kanya; sabi ng aktres-TV host na nagpapagaling pa sa kanyang mga karamdaman. Makikita sa larawan sa itaas ang bonding moment ni Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Patuloy pa ring nagpapagaling si Kris Aquino sa gitna ng kumakalat na mga fake news sa kanilang mga chat groups.

Ito ang binigyang-linaw ng matalik na kaibigan ni Kris at dating entertainment editor na si Dindo Balares.

Sa kanyang Facebook kahapon, December 22, 2024, nagkuwento si Dindo ukol sa mga nagtatanong sa kanya sa mga usap-usapan sa chat groups.

Panimula niya sa kanyang post, “Katatapos lang namin magkumustahan ni Kris Aquino last Sunday nang mag-chat ang aming publicist friend.

“‘Kuya totoo po ba? Sana hindi naman,’ mensahe sa akin.

“‘Alin po?’ tanong ko.

“‘May kumakakat kasi na wala na si Kris Aquino. Sana hindi totoo.’

“‘Saan galing?’

“‘May nagsabi lang sa isang chat group.’

“‘Kausap ko lang an hour ago.’

“‘Hay salamat naman. Hope she’s well and happy. Continue lang ako sa pagdasal for her.’

“‘Salamat, ______!’ (Sadya kong ‘di pinangalanan para walang mangulit sa kanya kung sinu-sino ang nasa chat group niya, he-he….)”

Matapos nito, isa pa raw kaibigan ni Dindo ang nagtanong tungkol din sa kumalat na balita.

Saad niya, “Ngayong umaga, isang kamanunulat at kapwa dating editor na malapit din kay Krisy ang kumontak.

“‘Any update about Kris?’ aniya.

“‘Nagpapagaling pa rin po. Maraming salamat, ____! Ipaparating ko sa kanya ang iyong pangungumusta.’

“‘May mga kumalat na namang kung anu-ano. I’m always praying for her.’

“‘Oo nga. Nahihirapan, pero malaking tulong ang prayers, ____. Sure akong matutuwa siya na ‘di mo siya kinakalimutan.'”

Mensahe ni Dindo sa followers ni Kris, huwag basta-basta maniwala sa mga lumalabas sa social media.

Aniya, “Para po sa followers ni Krisy, dobleng ingat na lang po sa fake news at misinformations. Huwag maniniwala hangga’t hindi galing sa kanyang pamilya o reliable sources.

“Patuloy ang gamutan at pagpapalakas niya. Katunayan, food ang madalas na topic namin ngayon.”

Magbasa pa tungkol sa

Kris Aquino update from Dindo Balares

KRIS AQUINO: ” Pero magkasama tayo—iyon ang mahalaga.”

May bago namang padalang larawan si Kris kay Dindo, kung saan makikita ang bonding nila ng mga anak niyang sina Josh at Bimby.

Sa chat nila ni Dindo, sinabi ni Kris na tulog daw ang nakakahiligan nito ngayon.

Pagbabahagi ni Dindo, “Ipinadala niya ito kahapon habang magka-chat kami.

“Nagiging antukin si Krisy kaya panay ang tulog. Sabi ko, sana bumabawi na ang kanyang katawan, lalo na’t umayos na ang panlasa niya.

“Madalas pa ring may masasakit sa katawan, 24/7 naka-monitor ang blood pressure at heartbeat, at tuloy ang gamutan.

“‘But we’re together- that’s what matters,’ sabi niya nang ipadala ang picture. ‘And I’ll do everything for us to be together longer. Alleluia.'”

Kris Aquino update from Dindo Balares

Sa health update ni Kris noong November 2024, sinabi niyang mula sa lima ay naging anim na ang kanyang autoimmune disease.

Kasunod nito ang pagpapasalamat niya sa lahat ng mga doktor na nagtutulungan para sa kanyang operasyon.

Pinangalanan na rin ni Kris ang doktor na naugnay sa kanya noon, si Dr. Mike Padlan.