Netizens react to MMFF 2024 Gabi ng Parangal production mishaps

Matagumpay na nairaos kagabi, December 27, 2024, ang Gabi ng Parangal para sa pang-50 na taon ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ginanap ito sa Solaire Resort sa Parañaque City, at dinaluhan ng mga malalaking bituin at mga bumuo ng 10 pelikula na kasali sa taunang film fest.

Masayang nag-uwi ng mga award ang ilan sa mga nagningning na bituin sa showbiz, tulad nina Judy Ann Santos for Best Actress, Dennis Trillo for Best Actor, Kakki Teodoro for Best Supporting Actress at Ruru Madrid for Best Supporting Actor.

(From L, clockwise) 50th MMFF Gabi ng Parangal Best Actress Judy Ann Santos, Best Actor Dennis Trillo, Best Supporting Actor Ruru Madrid, Best Supporting Actress Kakki Teodoro

Nanalo rin ng Special Jury Citation award si Vice Ganda para sa pagganap niya bilang OFW sa And The Breadwinner Is…

Ang Green Bones ng GMA Pictures naman ang nakakuha ng Best Picture award.

Sa kabila ng kasiyahan, napansin ng mga nanonood ng Gabi ng Parangal via livestream na hindi pulido ang production.

Ilan sa napansin ng mga viewers ay ang nawawala o hindi marinig na sound o music, ang mga pagkakataong tila nalilito ang mga presenter sa stage, at iba pang production issues.

VICE GANDA CONFUSED about AWARD

Si Dennis Trillo at Lorna Tolentino ang nag-announce na nanalo ng Special Jury Citation si Vice Ganda.

Pag-akyat ng komedyante sa entablado, agad nitong tinanong kung ano ang ibig sabihin ng napanalunan niyang parangal.

“Special jury citation for what? For best dressed of the night? Special jury citation for best performance, ganun ba yun? So salamat po,” pahayag ni Vice.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
vice ganda at 50th MMFF Gabi ng Parangal
Vice Ganda at 50th MMFF Gabi ng Parangal 

Photo/s: Ermarc Baltazar

Nag-agree naman ang ilang netizens. Narito ang ilang comments:

Satrue lang HAHAHAHAHAHAHA

True. ano ba kase meaning nyan

Pampalubag loob

Hahahahaha kaya nga, eme na awards hahaha

 

Vice Ganda gets Special Jury Citation award from 50th MMFF

Nalinawan lang ang It’s Showtime host ng basahin ni Dennis at Lorna ang detalye ng award sa hawak nilang card.

RICHARD SOMES ALSO CONFUSED ABOUT AWARD

Naunang nalito si Direk Richard Somes na isa sa tumanggap ng award ng Topakk na Fernando Poe Jr. Award for Excellence.

Kasama niyang tumanggap ng award ang producer na si Sylvia Sanchez at ang bidang si Arjo Atayde.

Nung nag-speech si Direk Richard, hindi niya alam kung para saan ang parangal.

“Gusto rin naming malaman kung ano nga yung FPJ award para at least ma-inspire din kami kung ano ito,” sabi ng direktor.

Maririnig ang tawanan ng audience, at makikitang pumalakpak si Vice Ganda.

Pagpapatuloy ni Richard, “Kung walang explanation, siguro in-assume namin na dahil action ang pelikula namin at Fernando Poe, so mabuhay ang action na pelikulang Pilipino.”

Agree naman ang mga netizens. Heto ang ilan sa comments:

Tama, walang mali sir

Hahahahahahaha may point din naman!

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

So itong FPJ award, automatic nah na ang action films ang mananalo nito? Hindi klaro, wla din explanation.

 

EUGENE DOMINGO TRIBUTE?

Samantala, may mga pumuna rin sa paglabas ng larawan ni Eugene Domingo sa in memoriam segment ng Gabi ng Parangal.

 

Sa naturang bahagi ng programa ay umaawit sina Robert Seña, Arman Ferrer, John Arcilla, at Mark Bautista ng “Minsan Ang Minahal Ay Ako” ni Celeste Legaspi.

Habang nagpe-perform ang apat ay ipinapakita ang larawan ng mga artista sa screen sa likuran nila.

Eugene Domingo at 50th MMFF Gabi ng Parangal

Bukod sa picture ni Eugene ay ipinakita rin ang kay Spanky Manikan, Cherie Gil, at Eddie Garcia.

Maraming netizens ang agad-agad nag-react sa livestream at YouTube channel ng PRTV Prime Media Philippines:

Eugene Domingo kasama sa tribute eh buhay pa need apology

Disrespect yung ginawa niya kay ate uge, ginawa niyo siyang patay, like hindi na kayo nahiya? Tapos hindi pa nag sorry? Ang haba ng oras oh di niyo manlang yun naisip? Hindi na nga nasali sa best actress ginanun niyo pa

Hahahahahaa gagi pinatay nyo si Ms Eugene

Ipinakita rin ang larawan nina Hilda Koronel, Christopher de Leon, at Vilma Santos.

Sa intro para sa performance, sinabi ng mga hosts na sina Robi Domingo, Tim Yap, Jasmine Curtis-Smith at Gabbi Garcia na selebrasyon ng history ng MMFF ang magiging performance, at hindi in memoriam o pagtanaw sa mga pumanaw.

MMFF 2024 GABI NG PARANGAL POLITICIAN PRESENTERS

May mga pumuna rin na tila hinaluan ng pulitika ang MMFF Gabi ng Parangal.

Naging presenter at taga-abot ng award ang ilan sa mga pulitiko. Sponsor din ng award ang ilang mga party-list.

Sa livestream, halos iisa ang mensahe ng netizens na pumansin: ??BAGO NA MGA ARTISTA NGAYUN SINU YAN?