Denise Julia to file defamation suit vs BJ Pascual, Killa Kush?

Mas lalong lumiliyab ang sigalot sa pagitan ng celebrity photographer na si BJ Pascual at R&B singer na si Denise Julia.

Ayon kay Denise, hinahanda niya ang posibleng pagdemanda sa photographer sa gitna ng diumano’y paninirang-puri nito sa kanya.

Ang kanilang word war sa social media ay nagsimula nang tawagin ni BJ si Denise na “unprofessional.”

Ito’y dahil sa pagkansela umano ng singer sa kanilang scheduled photo and video shoot sa hindi malinaw na dahilan.

Saad ni BJ sa podcast na Bad Bitch Bible na naka-upload sa YouTube noong December 20, 2024, gumastos siya ng malaki dahil sa cancelled shoot nila ni Denise na tinawag niyang “worst celebrity/model.”

Pinagpiyestahan sa social media ang isyu sa pagitan nina BJ at Denise.

Umaga ng December 25, sa mismong araw ng Pasko, tuluyang binasag ni Denise ang pananahimik nang mag-upload siya sa kanyang Instagram Stories ng ilang screenshots at videos para ihayag ang kanyang panig.

Makaraan ang ilang oras, si BJ naman ang muling nagsalita sa X (dating Twitter) para klaruhin ang aniya’y “some claims and portions of the images she shared on her IG stories do not reflect the full context of what transpired.”

Dito inisa-isa ni BJ ang naging pahayag ni Denise sa kanyang IG Story.

Kalakip nito ang screenshots ng palitan ng pag-uusap ng kani-kanilang manager nang iplano nila ang photo at video shoot, na sa huli ay hindi natuloy.

Denise Julia to file defamation lawsuit against BJ Pascual

Ilang oras lang mula nang i-post ni BJ sa X ang pahayag niya, muling bumuwelta si Denise kay BJ.

Ini-repost ni Denise ang tweet ni BJ kalakip ng video kunsaan makikita ang kumpletong palitan ng mensahe sa pagitan ng kanilang managers mula May 27 hanggang August 13, 2024.

Si John ang manager ni Denise, habang si Pearl Acuesta ang manager ni BJ.

Makikita rito na may gaps sa pag-set ng shoot date, budget, at iba pang detalye kaugnay ng shoot.

Sa caption, inihayag ni Denise ang aniya’y kagustuhan niyang ma-shoot ni BJ dahil siya raw ay fan na fan ng mga gawa ng celebrity photographer.

Sabi ng “B.A.D” singer, gustuhin man niyang ibigay ang shoot cost ni BJ ay hindi ito nagawa ng kanyang team dahil sa kakulangan ng budget.

Totoo raw na pumayag si BJ na mula sa PHP1.2 million ay ibaba sa PHP800,000 ang cost ng shoot production,

Pero hindi raw sukat akalain ni Denise na mauuwi ito sa alitan na naisapubliko pa.

Diin pa ng singer, sinawa ng kanyang team ang lahat ng kanilang makakaya para matuloy ang shoot.

Waring ang tinutukoy niya ay ang nauna niyang pahayag na nag-request ang kanyang manager na i-move ang shoot date sa end of August para hindi ito ma-cancel.

Pahayag ni Denise: “We went into this wanting to work with you—we’re genuine fans and were so excited about the collaboration.

“From the very beginning, we were upfront about our budget and what we can afford to execute the music video, the Photoshoot, the album art, the trailer and press photos.

“I had moved my entire release date just to be able to work with you, out of respect for your time. I’ve stayed quiet for as long as I could, but I needed to say my piece.

“Even until the end my manager was still trying to make this work, suggesting solutions and new dates so we can re-align and no one’s effort goes to waste.”

Akala raw ni Denise ay nagkaayos na sila ni BJ matapos niyang mag-reach out via direct message sa IG.

Pero patuloy daw ang tirada ni BJ kay Denise.

Ito raw ang dahilan kaya nagdesisyon siyang makipag-ugnayan sa kanyang legal team.

Pahayag ni Denise: “What hurts the most is seeing my character publicly attacked over something that’s not just out of my control but is a business negotiation between our managers and conversation that should’ve stayed private.

“You targeted me to bring me down… I thought this was something we had agreed on to talk about in person.

“We are now in contact with our legal team about a defamation suit. I hate that this had to go this way when it didn’t have to.”

DENISE WARNS Killa Kush

Samantala, nagpahaging si Denise na posible ring idemanda niya ang podcast host na si Killa Kush.

Sa podcast ni Killa lumabas ang video ni BJ kunsaan niya sinabing “unprofessional” si Denise.

Noon ding December 25 ipinost ni Denise ang screenshot ng pag-uusap nila ni Killa sa Instagram.

Dito ay mababasa ang bahagi ng palitan ng mensahe nina Denise at Killa.

Nagpaliwanag si Killa sa reaksiyon niya sa pahayag ni BJ tungkol sa anito’y di magandang karanasan niya kay Denise.

Sabi ni Killa (published as is): “I was disappointed to know you were BJ’s ‘worst celebrity to shoot’ but I wasn’t surprised. As with any episode, it’s candid and raw.

“It’s a chikahan podcast not a documentary. So I had to share my bit of experience first hand. Otherwise the exchange would be inorganic.

“The focus of the show was always to spark challenging conversations in a casual manner, never to shame or humiliate.

“It’s truly unfortunate to see how this all unfolded but I’ll always wish you the best. There was never a doubt you’d go far. Hope you’re still able to enjoy the holidays.”

Nireplayan naman ito ni Denise nang tila pagbabanta.

Ani Denise (published as is), “Thanks. I’ll see you in court.

“assuming youd make a tiktok out of this too, ill just add that to the lawsuit. so thanks in advance.”

Balik-sagot ni Killa, “No worries, merry Christmas!”

Denise Julia files lawsuit vs BJ Pascual, Killa Kush

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang sagot sina BJ at Killa sa latest statement ni Denise.

Nananatiling bukas ang PEP sa pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.