Tessa Prieto claims she’s “falsely accused” in estafa complaint

Nanindigan si Tessa Prieto na walang basehan ang reklamong syndicated estafa na isinampa laban sa kanya ng negosyanteng si Salud Bautista.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tessa nang maghain siya ng kontra-salaysay sa Makati Prosecutor’s Office nitong Lunes, January 20, 2025.

Pinirmahan at pinanumpaan niya ang kanyang kontra-salaysay sa harap ni Investigating Prosecutor Nicu Dela Merced.

Tessa Prieto files counter-affidavit to syndicated estafa filed by Salud Bautista
Photo/s: Rachelle Siazon

Aminadong kinakabahan si Tessa dahil unang beses daw niyang nasangkot sa legal battle.

Pero likas ang pagiging bubbly ng socialite/influencer/columnist na nakuha pa ring magbiro tungkol sa aniya’y pagkakadawit niya sa kaso.

“You know what, the weird part is I’m the extra, I’m the et. al,” pakuwelang hirit niya.

May lima pang respondents sa reklamong syndicated estafa na kinasasangkutan niya.

Pero sabi nga ni Tessa, “Coz actually, I’m not really the main character here.”

Sabay biro tungkol sa aniya’y pagiging “extra” nito sa reklamo, “I’m not even supposed to be an extra. Who wants to be an extra?!”

Sabay seryosong sabi rin ni Tessa, “I was added on so I have to defend myself.

“I’m just here to give all the facts in my counter-affidavit.”

Tessa Prieto files counter-affidavit to syndicated estafa filed by Salud Bautista

TESSA PRIETO ON EX-Gf ANGEL CHUA AS FELLOW RESPONDENT

Hindi nagdetalye si Tessa kung paano siya nadawit sa syndicated estafa.

Pero kinumpirma nitong sangkot sa reklamo ang ex-girlfriend niyang si Angel Chua.

Pagbabahagi niya sa PEP, may isang taon na silang hiwalay ni Angel.

Matagal na raw siyang naka-move at ayaw na sana niyang lingunin ang natapos na relasyon, hanggang sa madamay siya sa diumano’y maanomalyang business transaction sangkot ang dating nobya.

“I’m like Miss No Regret.

“I want everything to be finished, water under the bridge, don’t bother me anymore, I’m in another relationship already.

“So, I’m okay,” pagtukoy ni Tessa sa kanyang state of mind bago dumating ang kinahaharap na legal battle.

WHY WAS TESSA SUED FOR SYNDICATED ESTAFA?

Taong 2023 pa raw naganap ang mga pangyayaring nakasaad sa complaint-affidavit ni Bautista.

Bagamat hindi niya idinetalye ang puno’t dulo ng alegasyon sa kanya, ibinahagi ni Tessa na hindi niya lubos-maisip na masasangkot siya sa sinasabing fraudulent business transaction.

“In this case, I’ve been accused of doing all that. Clearly, why will I do that?” manghang bulalas ni Tessa.

Dugtong niya: “I have never gotten anybody else’s money and tell them to invest in this and that.

“So, this is me defending myself with all the evidence that I have.”

“Zero” raw ang track record niya pagdating sa money issues.

“People know me. I’m very extravagant. I do a lot of charities and everything.

“So this is really a… I feel it’s like an attack on my core values as well.

“Clearly, I’m not even party of this.”

Sabay malamyang dagdag niya; “I understand why the circumstances happened.

“The main person—I’m supposed to be covering for that person because of a previous something-something.”

Hindi naman niya tinumbok kung ano ang ibig niya sabihin.

Diin lang ni Tessa, wala raw siyang kinalaman sa anumang illegal business deals.

“I’m gonna remove myself from the case. Again, I don’t wanna be extra,” pagsuma ng kilalang socialite.

TESSA PRIETO ON STANDING FOR “THE TRUTH”

Kumpiyansa raw si Tessa sa kanyang legal team na kasama niyang naghain ng counter-affidavit.

Pinangungunahan ito ni Atty. Jarodelyn Mabalot, kasama ng handling litigation team mula sa Divina Law.

Pahayag pa ni Tessa: “Who better else to defend me but Divina Law?

“This is something for my reputation, my family’s name.

“And really, I have never really been ever dragged into something like this. It’s like my credibility is on the line.

“So, I’m here to stand for what is right legally and the truth, actually.”

Ano ang susunod na hakbang matapos ang filing ng kontra-salaysay ni Tessa?

Sa puntong ito ay sumagot si Atty. Mabalot: “We do have two additional settings for the filing of the reply and rejoinder.

“There we will see her [Salud Bautista] reply to our filing of affidavit.

“Let’s just do this the right way in accordance with what is provided under rules of procedure and trust that justice will really prevail.”

Dumating din sa fiscal’s office ang abogado ni Angel Chua na si Atty. Alex Acain ng Guzman Acain LLP law office.

Sa hiwalay na panayam ng PEP, sinabi ni Atty. Acain na nasa Cebu si Chua kaya hindi ito nakasama sa filing ng counter-affidavit nito.

Bagamat si Angel Nicole Chua ang pangunahing nakalagay na respondent sa complaint ni Salud, ayon kay Atty. Acain ay walang maituturing na “primary” respondent sa reklamong syndicated estafa.

Lahat daw ng anim na pinangalanan ay pare-parehong respondents.

Hindi na nagdetalye pa ang abogado sa salaysay ni Chua dahil naroon naman na raw ito sa ipinasa nila sa piskalya.