Bumalik sa No. 1 spot ng Top 10 Shows ng Netflix ang action-drama series na Incognito.
Bida rito sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Maris Racal, Anthony Jennings, at Baron Geisler; sa ilalim ng direksiyon ni Lester Pimentel Ong.
Sa pakikipagpalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Baron sa Messenger noong Biyernes, January 31, 2025, nagpahayag ng saya at pasasalamat ang aktor sa mga taong patuloy na nanonood at tumututok sa Incognito.
“Sobrang nakaka-bless! Hindi ko in-expect na ganito kainit ang pagtanggap ng tao sa Incognito.
“Ang saya sa puso na makita ang hard work ng buong team—mula sa cast, crew, hanggang sa production—na nagbunga.
“I’m just grateful to be part of a project that resonates with so many people.”
Ano sa tingin ni Baron ang dahilan kaya tinututukan ng mga manonood ang kanilang teleserye?
Ayon sa aktor, “I think malaking factor ang ganda ng kwento at kung paano ito na-execute.
“Solid ang team namin, at bawat isa committed na gawing makatotohanan at kapana-panabik ang bawat eksena.
“Pero higit sa lahat, siguro dahil may puso ang kuwento—may lalim, may aksyon, may emosyon.
“At siyempre, ang suporta ng audience, sila talaga ang dahilan kung bakit nandito kami.
“Saka ang gagaling ng mga direktor namin, si Direk Lester saka si Direk Ace Yan Bin. He brings out the Hongkong/Hollywood feels to the fight scene.”