Vina Morales on GMA-7 comeback: “Excited ako.”

Excited si Vina Morales na bumalik sa paggawa ng teleserye.

At sa kanyang pagbabalik-telebisyon, balik din siya sa kanyang dating tahanan—ang GMA Network.

Pagbibidahan ni Vina ang drama series na Cruz vs. Cruz, na siya ring hudyat ng kanyang pagbabalik sa Kapuso network makalipas ang halos 25 taon.

Pagbabahagi ng actress-singer, “Uumpisahan na namin ang teleserye namin, bagong teleserye sa GMA

“So, magbabalik-GMA po ako after ilang dekada na.

“So ayun, ako, excited kasi uumpisahan na namin yung Cruz vs. Cruz. Maintriga to, title pa lang, maintriga na teleserye.

“So, excited ako. Kasi after a long time, medyo natagalan din ako mag-teleserye, so I’m excited to be working with GMA.”

Ang huling teleserye na ginawa ni Vina ay ang Marry Me, Marry You (2021-2022) sa Kapamilya Channel.

Paano siya nakumbinsing muling gumawa ng teleserye?

Saad ni Vina, “Actually, last year may mga offers naman, merong mga inquiries, kaya lang hindi natutuloy because I was in the U.S.

“Tapos nag-Broadway ako, Broadway, Here Lies Love sa New York.

“And then I did my own shows.

“And then I did a concert with Jim Brickman and then David Pomerantz, so hindi na natuluy-tuloy.

“So, finally, this 2025 tuluy na tuloy na.”

Paano niya pinaghahandaan ang kanyang pagbabalik-acting sa telebisyon? Kinakabahan ba siya?

Sabi ni Vina, “Hindi mawawala yung kaba.

“I think lahat ng performers or actors or singers, every time na bago mag-umpisa talaga nandudun din yung kaba kasi pag walang kaba, parang masyado ka ng at ease.

“So mas gusto ko yung may kaba, hindi ibig sabihin na kinakabahan ako kundi excited ako.

“But siyempre, I have to learn my character.

“So, nag-story conference na kami and actually within this week, maglu-look test na kami.

“And after that, umpisa na kami ng taping by February.”

Ginanap ang story conference ng Cruz vs. Cruz noong January 17, 2025.

Makakasama ni Vina sa Cruz Vs.Cruz sina Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Lexi Gonzales, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Cassy Lavarias, Gilleth Sandico, Caprice Cayetano, at Elijah Alejo.

cruz vs cruz cast
VINA MORALES ON CRUZ VS. CRUZ

Ano ba ang kuwento ng Cruz vs.Cruz?

Lahad ni Vina, “Actually, lahat ng mga tao makaka-relate, because it’s about the family, it’s about the relationships.

“Hindi lang kasi sa mag-asawa, magkarelasyon. Isang istorya din ito sa pamilya talaga, magkakapatid, about business also.

“Ang daming conflicts dito ng teleserye na to, kaya Cruz vs.Cruz.

“Kaya title pa lang, di ba, parang ang dami nang mangyayari na conflicts.”

Samantala, masaya si Vina na naging bahagi siya ng Landers 8th Anniversary Shop & Win grand draw na ginanap sa Arca South branch, Taguig City, noong January 20, 2025.

Tila nag-mini-concert siya sa programa bago i-draw ang grand prize na Porsche 911 Carrera S.

Vina Morales performance at Landers 8

Sabi ni Vina, “I am very happy also to be here because it’s the 8th anniversary of Landers.

“So I have to be here because I’m a part of the family.”