Vilma Santos not expecting to win at MMFF 2024 Gabi Ng Parangal

Hindi raw inaasahan ni Star For All Seasons Vilma Santos na masusungkit niya ang Best Actress sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang Uninvited.

Si Vilma ang nanalong Best Actress para sa pelikulang When I Met You In Tokyo noong MMFF 2023.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vilma via Facebook Messenger kamakailan.

“Di ko na naman iniisip yan at this point in time,” saad ni Vilma.

Paliwanag niya, “Alam mo, when you do a role now, hindi mo na para isipin na panlaban ito, not anymore.

“Basta ako, pag pinasok ko na ang character tapos yung motivation ni Direk pumapasok sa puso mo.

“Lalo na isa na akong ina ngayon, ang bilis kong pumasok sa role.”

Malaking hamon pa rin daw sa kanya na mag-deliver ng heavy drama scenes.

“At yung mga mabibigat na scenes, di rin madali na pinasok ko yun.

“Nag-140/90 nga ang BP [blood pressure] ko.

“Yung emotional tension sa set. Just to make sure na maibigay mo talaga yung character ni Lilia and Eva Candelaria.”

Kuwento pa ni Vilma, hindi niya inaasahan na papasok ang Uninvited sa MMFF 2024.

“In fact, nung kino-conceptualize yung pelikulang Uninvited, di talaga ito intended for MMFF.

“Ang gusto lang namin is to really do a film na something different, something challenging, yun ang intention.

“I guess, it’s just fortunate na nahabol nila at natanggap, so heto na naman.”

Aminado si Vilma na may tensiyon din ang pagsali sa filmfest kung saan sampung entries ang naglalaban ngayong taon.

Nariyan ang And The Breadwinner Is…The Kingdom, Espantaho, at Green Bones.

Kasama rin ang My Future You, Isang HimalaTopakk, at Strange Frequencies.

Ani Vilma: “Hindi madali, pero still happy and honored kasi golden anniversary ng MMFF.

“Pero siyempre alam natin na nakakapagod yan, may tension yan, all these things.

“But we’re here already. We are still praying and the most important thing is maka-deliver kami ng isang magandang pelikula.”

Inaasahang mahigpit ang laban sa box-office at awards night ng MMFF 2024.

May pressure ba sa kanya?

“It’s always may pressure naman. Pero di naman ito ang first time,” saad ni Vilma na noong MMFF 2023 ay bumida sa love story na When I Met You In Tokyo kasama si Christopher de Leon.

“Last year, mayroon din kami, mayroon din akong pelikulang pumasok sa MMFF.

“May pressure definitely, kasi kahit anong sabihin mo, sampung pelikula yan.

“Tao naman ang magdedesisyon, depende sa pulso ng tao kung ano ang gusto nila.

“Basta ang importante lalo na ako, may nagawa akong something different again after sixty two years. Malaking bagay yun.

“Ngayon, kung susuportahan, maraming, maraming salamat dahil pinagpaguran at pinag-isipan naman ito talaga.”

Ruru, Bianca, Dennis, Jennylyn and others arrive at the 50th MMFF awards

A DIFFERENT KIND OF THRILLER FILM

Nakaganap na rin si Vilma ng ibang thriller-suspense movie noon tulad ng Tagos ng Dugo, pero para kay Vilma ay memorable para sa kanya ang pelikulang Uninvited.

Ibang-iba raw ang Tagos sa Uninvited.

“Tagos Ng Dugo was something mental issue yun, ito it’s different. Even if it’s a thriller, it’s about love, it’s about a mother’s love.

[It’s about a mother] who will do everything and anything for her children, for her kids, for her daughter, or her son.

“Injustice, abuse, ito yung tema talaga. It’s something different na tingin ko ngayon ko pa lang nagawa.

“Naging challenging kasi first time ko pa lang to be directed by Dan Villegas and he’s so good, he’s so good in motivating stars. He’s good, ang galing niya.”

UNINVITED CO-STARS

Puring-puri din ng aktres ang co-stars niya sa pelikula kabilang sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.

“Definitely isa yan sa pinakamalaking challenge and inspiration sa akin na si Aga ang gaganap na Guilly at makakasama ko uli siya, at the same time si Nadine.”

Kumusta katrabaho si Nadine?

Sagot ni Vilma, “Sinabi niya na gusto niya akong makasama, and enjoy kaming dalawa.

“She’s such a good person and a very good actress sa henerasyon niya ngayon, so happy ako na makasama siya.

“Ang gagaling ng mga kasama namin dito, nakaka-challenge. Ang gagaling nila, like si Mylene Dizon, si Tirso [Cruz III], Lotlot de Leon, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Gabby Padila, Elijah Canlas, Ron Angeles, RK Bagatsing, at Nonie Burncamino.

“Malaking bagay yun na ang gagaling ng mga kasama ko talaga.

“Saka yung mga talents na aming ginamit sa party, they are all good, maraming salamat sa kanila.”

PROJECTS WITH UST STUDENTS

Sa isinagawang tribute kay Vilma ng grupo ng estudyante sa University of Sto. Tomas noong November 27, sinabi ni Vilma na ang pagiging ina ang pinakapaboritong role niyang ginampanan.

Sinabi ulit ni Vilma sa PEP na malapit sa puso niya ang women empowerment at pagbibigay importansiya sa kung ano ang role ng babae sa buhay at sa lipunan.

“Isa na akong nanay at ang kumukumpleto ng buhay ko at kumukumpleto ng pagkatao ko bilang isang babae ay yung pagiging ina.

“Kaya yun siguro ang pinakaimportante sa akin.

“Kaya siguro yung role ko dito sa Uninvited, naging memorable and challenging.”

Ibinalita rin ni Vilma na may tatlong librong ilalathala ang UST tungkol sa buhay at karera niya.

“I’m so, so very grateful sa UST, kila Father Rector Richard, kila Professor Tots, Professor Augusto Aguilla…

“At sa mga Thomasians, lahat ng mga professors dun, mga executives ng UST, mga pari, maraming-maraming salamat po sa inyo.

“Sobrang tiwala, suporta na binibigay at pagmamahal nila sa akin to the point na sila ang gustong magha-handle na ilabas yung libro ko, na tatlo pa nga yata.

“Mabigat, pag nagawa na namin ito, yung utang na loob ko sa UST, sobra. Mabuhay ang mga Thomasians, and from the heart, maraming-maraming salamat po.”

HOLIDAY BREAK WITH FAMILY

Kahit abala sa MMFF 2024, ayon kay Vilma ay maipagdidiwang pa rin niya ang Bagong Taon kasama ang pamilya.

“Definitely family pa rin. Yan naman ang pinamana sa amin ng Mama at Papa ko, how important family is especially in special occasions like Christmas and New Year.

“Di yan puwedeng mawala, pamilya muna bago ang lahat. Pamilya pa rin.:

Sa kabila ng pagiging abala sa darating na eleksyon at Metro Manila Film Festival, Lolanb-lola.pa rin si Vilma sa tuwing mapag-uusapan ang apong si Peanut.

Proud lola rin si Vilma.

Ang apo niyang si Isabelle Rose, o Peanut ay magdadalawang taong gulang na sa December 29.

“I love Peanut. She’s a young lady already, and believe me magiging artista yang apo ko na yan.

“Napakaganda at napakaarte, and I love her so much.

“Nabibigyan niya ako ng inspirasyon lalo na sa umaga pinapanood ko agad ang video niya.

“Napopositibo niya ang araw ko, ganun siya kaganda at kagaling. Ganun siya ka-inspirational.”