University of Cabuyao goes viral for “English Only Policy”

Hot topic ngayon sa social media ang ipinatupad na “English Only Policy” ng Pamantasan ng Cabuyao o University of Cabuyao sa Laguna.

Ang abiso ay ipinost sa Facebook account ng unibersidad ngayong Lunes, February 3, 2025, na petsa rin ng effectivity date ng school policy.

Ang rason ng paaralan: “academic excellence and global competitiveness.”

At this writing, ilang oras pa lamang matapos itong i-post, libu-libo na ang shares, reactions, at comments — indikasyon ng strong reactions mula sa netizens.

Taglay ng caption ang official announcement.

Nakasaad dito: “To uphold academic excellence and global competitiveness, Pamantasan ng Cabuyao (University of Cabuyao) will enforce the ENGLISH ONLY POLICY starting February 3, 2025.

“Effective on this date, all official transactions, classes, and interactions within the university must be conducted exclusively in English, both in written and spoken communication.

“This policy applies to students, faculty, staff, and all university personnel to cultivate a strong English-speaking environment.

“We encourage everyone to fully support this initiative as we strive to produce globally competent graduates.

“Strict compliance is required.

“Thank you for your cooperation.”

Ang attached photo naman ay formal letter ng announcement na may letterhead pa ng school.

Pirmado ito ni Librado DG. Dimaunahan, ang officer-in-charge-president ng campus.

CABUYAO MAYOR SUPPORTS THE POLICY

Lumalabas na suportado ng alkalde ng Cabuyao ang English Only Policy ng pamantasan.

Sa Facebook Live ni Mayor Dennis Felipe Hain, ipinost ang flag ceremony program noong January 20, 2025.

Sa morning program, nagbigay ng kanyang speech ang alkalde, na running for reelection ngayong 2025.

Sa kanyang maiksing talumpati, sinabi nitong mapapadalas ang pagbisita niya sa campus, at nagbirong para raw ma-practice ang English skills niya.

Kasunod nito, sinabi ng alkalde na importante ang marunong sa English lalo na sa mga nais magtrabaho abroad.

Bahagi ng pahayag ni Hain, “Alam mo, pag nasa abroad ka walang English carabao.

“Kapag hindi ka marunong mag-English, hindi kayo magkakaintindihan. Kaya mas magaling akong mag-English pag nasa abroad. Pag narito ako, kulang ang lakas ng loob.

“Pero mapapalimit ang pagpunta ko dito kasi gusto kong praktisin ang English skills ko, at ganundin sana kayo…”

Kung babasahin naman ang comments na umabot na ng ilang libo, mapapansing karamihan sa netizens ay negatibo ang komento sa bagong polisiya.

Katuwiran ng marami, hindi sukatan ang pagiging marunong sa English para umunlad ang bansa.

Pagpuna ng ilan, ibinababa nito ang sariling wika sa halip na iangat.

Komento ng iba pa, mas pagtuunan ng pansin ang mas malalim ng suliranin sa paaralan.

Narito ang ilan sa mga comments:

english only policy comments 1
english only policy comments 2
english only policy comments 3