Nitong mga nakaraang linggo, halos hindi nakakasama ni Sylvia Sanchez ang kanyang apo.
Ito ay dahil sa pagiging hands-on ni Sylvia sa promo at screening schedules ng Topakk, ang official entry ng Nathan Studios sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ayon kay Sylvia, hanggang video call na lang muna siya sa anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
“Once a week ko na lang nakikita ang apo ko. Tuwing Sunday na lang. Pero araw-araw ang video call.
“Sabi ko naman sa mag-asawa, ‘Hayaan mo, kayo na muna mag-asawa ngayon habang baby. Pero ingat kayo pag lumaki iyan, akin iyan!’” pagbabahagi ni Sylvia sa grand media conference ng Topakk last December 4, 2024.
Pero babawi raw si Sylvia sa kanyang apo pagdating sa Araw ng Pasko at sa Bagong Taon.
“Sa Pasko magkasama kami at sa New Year. Yun na ang pahinga ko kasama ang aking apo.
“Since opening day ng Topakk sa December 25, mag-iikot kami sa mga sinehan at pagdating ng gabi, pahinga na ako.
“Buti na lang, mag-spend kami ng Pasko sa bahay ng father-in-law ko. So, libre ako sa pagluto ng handa. Yun na ang pinaka-pahinga ko para malaro ko ang apo ko.”
Christmas wish ni Sylvia ay para sa kanyang mga anak—sina Ria at Zanjoe, at ang mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza—na bigyan siya ng maraming apo.
“Christmas wish ko for Ria and Zanjoe, more, more, more kids!
“For Arjo and Maine, mabigyan na rin nila ako ng apo!” tawa pa niya.
topakk puts spotlight on ptsd
Wish din ni Sylvia na maging isa sa top-grosser ng MMFF this year ang Topakk dahil hindi raw ito pangkaraniwang action movie.
Mayroon itong malalim na pagtalakay sa mental health issues tulad ng post-traumatic stress disorder or PTSD.
Ayon sa Mayo Clinic: “Post-traumatic stress disorder (PTSD) is a mental health condition that’s caused by an extremely stressful or terrifying event — either being part of it or witnessing it. Symptoms may include flashbacks, nightmares, severe anxiety and uncontrollable thoughts about the event.”
Layunin ng pelikula na hindi dapat basta-basta hinuhusgahan ang taong may ganitong klaseng mental disorder.
“‘Pag hindi natin alam na may PTSD yung tao, tapos nakita natin meron siyang ibang galaw, medyo di natin siya maintindihan, automatic na sasabihin natin may topak, may sayad, sira-ulo.
“Hindi natin alam na may pinagdadaanan ang taong ito. May PTSD ito kaya kailangan natin intindihin ang nangyayari sa kanya.
“Nababago ng trauma ang isang tao kaya kailangan alamin kung anong pinagdadaanan ng tao.
“Lahat naman tayo, may kanya-kanyang trauma sa buhay. May kanya-kanya tayong topak.”
Read: Sylvia Sanchez recalls delaying Arjo Atayde’s entry into showbiz
sylvia sanchez on julia montes: “siya ang action queen!”
May malalaking action scenes na ginawa sina Arjo Atayde, Sid Lucero, Enchong Dee, at iba pa sa pelikulang Topakk.
Pero ayon kay Sylvia, bibilib ang maraming manonood kay Julia Montes dahil sa pagsabak nito sa mga peligrosong eksena.
Ayon sa veteran actress, si Julia ang puwedeng tawaging Action Queen dahil ayaw nitong magpa-dobol sa mga eksenang pinapagawa ng direktor nilang si Richard Somes.
“Mark my words! Si Julia, isang movie pa, iyan na magiging bagong Action Queen!
“5% lang na may double siya, pero 95% si Julia ang gumawa.
“Yung mahirap at alam namin na delikado, pero si Julia gagawin niya. Makikita ninyo na talagang tumatalon siya at nakabitin siya.
“Kaya for me, si Julia ang Action Queen!”
Dahil sa pagiging game ni Julia sa Topakk, hindi maiwasang maaksidente ito. Natusok nga raw ang kaliwang tuhod nito ng pako.
Kuwento ni Julia na nandoon din sa mediacon: “Na-enjoy ko ang action. Ayun napako siya. Na-accident na ako prior, kaya may injection na ako. So protected naman ako.
“Pero ang sarap na magtrabaho sa ganitong klaseng team. Kasi from the very start, talagang nakatutok sa amin.
“At ang ganda din ng set namin. Kaya pag pinanood niyo itong Topakk, nakaka-proud na maging isang Pilipino dahil ito yung produkto na gawa natin.”
Unang na-screen ang Topakk sa 78th Cannes Film Festival noong May 2023. Nag-premiere din ito sa 76th Locarno Film Festival in Switzerland noong August 2023.
Nakarating din ang Topakk sa iba’t ibang film festivals abroad tulad ng FrightFest in United Kingdom, Slash Fantastic Film Festival in Austria, Sitges Film Festival in Spain, Mayhem Film Festival in UK, Fantastic Fest in the United States, Curtas Festival do Imaxinario in Spain, Mumbai Film Festival in India, and Thessaloniki International Film Festival in Greece.