Singer Nina admits to being in a happy relationship

“I’m a very content person with my heart, body, mind, and soul. I have a very private relationship kaya di masyadong pressured.

“Basta, siguro I keep it that way para mas masaya,” nakangiting sabi ni Nina.

Hindi na siya nagdetalye dahil gusto niya raw na tahimik ang love life.

Nang tanungin ng tips niya pagdating sa pag-ibig, sumagot si Nina basta maging handa kapag dumating ito.

“Eto talaga sinasabi ko, wag mo hahanapin yung love. Pag hinanap mo di talaga siya dadating. Proven na talaga siya.

“Pag di mo siya hinanap. Bigla siya dadating ang bilis.

“Because love moves in mysterious ways, that’s why you don’t know when it’s gonna happen.”

NINA PRE-VALENTINE CONCERT

Nakapanayam si Nina sa press launch para sa pre-Valentine concert niya, ang Love Matters, na gaganapin sa New Frontier Theater sa Quezon City sa February 7, 2025.

Ang director ng concert niya ay si John Prats, na tulad niya ay bahagi ng roster ng Cornerstone Entertainment.

Excited si Nina dahil may ibang genre raw siya na susubukan sa kanyang concert.

“I don’t usually sing Broadway songs. It’s something new to look forward to

“We felt like it would be appropriate to put it in a Valentine concert. ‘Why not put some kind of a Broadway song and make it my own?’

“The songs are a surprise. May ibang songs ako na gusto at luckily naisama.”

Ibinigay niyang halimbawa ng pag-explore niya ng ibang genre ay ang kinanta niyang “Never Enough” mula sa musical film na The Greatest Showman noong birthday concert ni Nina noong October 2024.

Collaborative raw ang kanyang team pagdating sa pagpili ng songs.

At bilang singer, may input raw si Nina sa final lineup niya.

Kilala sa pagkanta ng soul music, hindi pa rin naman daw mawawala ang pagkanta niya ng hit covers niya tulad ng “Love Moves In Mysterious Ways” at “Foolish Heart” pati na ang original song niya na “Jealous.”

nina’s MEMORABLE VALENTINE CONCERT

Isa sa memorable fan encounter ni Nina sa isang couple na may surprise proposal sa kanyang big concert.

“After the proposal, I sang ‘Love Moves.’ Nakakaiyak siya. Siyempre emotional lahat, awww… Ang sarap sa feeling tapos maiiyak ka. Ang hirap kumanta ng naiiyak…”

Kuwento pa ni Nina, may mga pagkakataon na kontra sa kanyang kinakanta ang nararamdaman niya.

Pero bilang singer, trabaho raw niya na magbigay ng magandang performance.

“Kunwari malungkot ako that day, sine-set aside ko siya kasi you really have to put on a show.

“Di puwedeng dalhin mo yung lungkot mo on the show. Because the people are there to watch you, hindi to feel your emotions. So, you have to entertain them.”

Doon daw lumalabas iyong pagkilala niya sa kanyang audience, para alam niya kung paano i-engage ang mga ito.