Hindi inurungan ni Sanya Lopez ang isang basher sa X (dating Twitter) na tila tinaray-tarayan siya.
Inakusahan ng basher si Sanya na, diumano, nagbura ng komento sa Instagram tungkol sa bagong kapareha niya sa proyekto na si David Licauco.
Si David ay ka-loveteam ni Barbie Forteza na ex-girlfriend ng kapatid ni Sanya na si Jak Roberto.
Nagkasama sina Sanya, Barbie, at David sa katatapos lamang na seryeng Pulang Araw.
Magkasama sina Sanya at David sa upcoming movie na Samahan Ng Mga Makasalanan.
SANYA LOPEZ fires back
Sa X nitong nakaraang January 31, 2025, sumagot si Sanya sa isang user na nag-tag sa kanya sa isang post.
Ayon sa netizen, bakit daw binura ng aktres ang komento ng isang netizen sa isa niyang post sa Instagram.
Ito raw ba ay paawa effect ni Sanya para ipagtanggol ng bashers, gaya raw ng pagtatanggol ng netizens sa rumored ex-girlfriend ni David na si Kisen Hizon?
Buong post ng netizen, “bakit nag delete ka after mo magreply @sanya_lopez sa comment na isaksak mo si @davidlicauco sa baga mo? ano motive mo sa reply? paawa epek kay @davidlicauco para maging knight in shining armor na ipagtanggol ka sa bashers sa instagram gaya ng ginawa kay Kisen @babyspecc wa epek”
Kalakip ng post ang screenshot kung saan sinabi ng isang netizen sa kanya na, “edi sayo na si David Licauco, saksak mo sa baga mo, inaangkin mo diba. Sayo na!”
Mababasa rin dito ang sagot ni Sanya.
Tanging post ng aktres, “LUUUHHHHH [laughing emojis]”
Ni-repost ito ni Sanya sa kanyang account.
Ayon sa Kapuso actress, minsan na nga lang daw siyang sumagot sa comments pero binura pa ng commenter ang kanyang sagot.
Nalungkot din daw siyang walang mukha ang naturang Instagram user.
Buong komento ni Sanya: “Oh my dear. I’m not the one who deleted it. Sayang minsan lang ako sumagot dinilete pa nya HAHA pang 2nd ka.
“Sad nga eh wala syang face parang ikaw din kapag nagcocomment. Next time sana yung may muka nyo talaga na.
“Para paniwalaan din diba. Oh ito Wag mong delete pinag effortan kita now ah. Di na ko sasagot kahit kanino next time. Gusto ko yung iniisip mong talo ako. Para masaya ka bhie”
Hindi na sumagot pa si Sanya sa ilang mga komento ng netizens sa kanyang post.