Regine Velasquez recalls her most memorable concert

Binalikan ng Asia’s Songbird Regine Velasquez ang pinaka-memorable concert ng kanyang buhay—ang Silver.

Ito ang kanyang 25th anniversary concert na naganap sa SM Mall of Asia Arena noong November 16, 2012.

Sa panayam ni Korina Sanchez kay Regine para sa Korina Interviews program sa Net25 kahapon, February 2, 2025, naitanong ng broadcast journalist ang tungkol sa pagpiyok.

Korina Sanchez and Regine Velasquez

Korina Sanchez and Regine Velasquez

Dahil “major” daw kapag nabalitaang pumiyok ang isang Asia’s Songbird.

Sabi ni Korina, “Ang Asia’s Songbird ay pumipiyok din. Grabe, siguro pag pumiyok ka, major. Kasi major yung mga nota mo, e.”

Pagsang-ayon ni Regine, “Yes. Actually, hindi ko yun… tinrain ako ng tatay ko na hindi yun mangyayari sa akin.

“Nangyari lang yun nung nawala yung boses ko.”

Dito na nagkuwento si Regine sa pagkawala ng boses niya nung mismong araw ng kanyang Silver concert.

Lahad niya: “It was my 25th year anniversary in the industry.

“You know, I just gave birth. Ang tagal akong hindi nag-concert.

“Kasi I wanted to be a hands-on mom. So I stayed at home for, like, four years or hanggang five years.

“Hanggang mag-five years old si Nate. Rehearse, rehearse, rehearse. Orchestra pa yun.

“The night before the show, parang may nararamdaman na ako na something’s weird, but I didn’t focus on it kasi parang itutulog ko lang.

“But the following day, when I woke up, my voice totally gone.”

At hindi raw talaga siya makapagsalita.

Pagpapatuloy ni Regine: “Nawala, walang sound. So I went to the doctor. They gave me steroids. Still nothing.

“I was talking to my sister. Sabi ko, ‘Paano to? Paano to? We cannot cancel.’

“Because it’s hard. You cannot just do that. Kasi, day itself na.”

Ano ang dahilan ng pagkawala ng boses niya?

Tugon niya, “I got sick. Kasi my son got sick. Siyempre, I have to take care of him.

“My sister got sick. My director got sick.

“And they all have something in common — they all lost their voices.

“Hindi ko naman akalain na, kasi wala naman ako nararamdaman, e.

“I think it was just like a regular cold, cough and cold, whatever, or flu.

“Pero yung voice yung tinamaan. So I totally lost my voice.”

REGINE VELASQUEZ PUSHED THROUGH WITH HER CONCERT

Dahil imposibleng ikansela ang konsiyerto, ipinagpatuloy pa rin nila ito.

Saad ni Regine, “The thing with me kasi, even if I don’t have a voice, I still can sing.

“This one is not like that. I had to push through with it.

“Tapos pumipiyok ako, kasi wala, e, wala talagang voice.

“Naka-steroids na ako nun na.”

Muling inusisa ni Korina si Regine kung bakit hindi sila puwede mag-cancel ng oncert.

Paliwanag ng singer-actress, “Mahirap kasi mag-cancel, e. Kasi day itself na, e.

“Hindi mo na masasabihin lahat ng mga tao na cancel, tapos bayad na lahat.

“Hindi mo na puwedeng 50 percent lang yung ano, hindi na puwede yun.

“So I had to push through with it. Parang naka-12 songs ako.

“But I could see, alam mo yung audience, yung hirap na rin sila for me.

Audience st Silver concert of Regine Velasquez

Audience at Silver concert of Regine Velasquez

“And nakakatawa nga kasi, sila na yung kumakanta ng kanta ko sa akin.

“Sila na yung kumakanta. And feeling ko, parang nahihirapan na rin sila.

“So I had to cut the show. But I promised to do it again.

“So, ginawa ulit namin, I think December.”

Pinatago ni Regine ang tickets ng mga nanood. Binigyan nila ng option para sa full refund, pero wala raw nag-refund.

“Pinatago ko yung mga ticket nila,” sambit niya.

REGINE’S MOST MEMORABLE CONCERT

Kahit hindi naging maganda ang resulta ng kanyang Silver concert, dahil samasamang kundisyon niya noon, iyon daw ang pinaka-memorable na concert para kay Regine.

Pagbabalik-tanaw niya: “But you know, yun yung pinaka-memorable ko na concert.

“Kasi ang fear naming mga singers, fear talaga namin to.

“Like, I would dream about it, yung tinatayuan ka ng audience.

“Yung tatayuan ka ng audience mo, fear ko yun. Like greatest fear ko yun.

“I thought they were gonna do that. But they didn’t. They didn’t. They stayed.

“They tried to enjoy the show even though it was hard for them to see me sing like that.

“And they were singing along. There was a time they were just the ones singing my song to me.

“I think it was “Araw Gabi” that they were singing.”

May mga aral din daw na natutunan si Regine dahil sa insidenteng iyon.

Pagpapatuloy niya: “It was very memorable. Kasi may mga learnings din, e.

“Kasi at that time, I wasn’t doing concerts for a while. Parang, meron akong out to prove something. I still have it.

“And I totally missed the whole point of doing the concert.

“It was just to celebrate with the people who’ve supported me all these years. And to also be grateful for God’s gift to me.

“Yun lang yung dapat na inisip ko. Hindi ako dapat nag-isip na, ‘No, this is for revenge. I still have it.’

“Ganun ba? So I remember, for revenge, I still have it.

“Ganun ba? So I missed the lessons. Sabi nga, di ba? Feeling ko, ganun.

“Kasi He wanted for me to learn something from it.”

At lahat naman daw ng audience ay bumalik noong muli siyang nagtanghal.

Saad niya, “Yes! Gagawin natin ito ulit. Tumambling na yung kapatid ko.

“Tumbling siya, mga tatlong tumbling kasi, ‘Paano natin gagawin?’

“But, yeah, we did it. May mga sponsors naman kami, thank God, who helped us.

“And we offered a refund kung ayaw na nilang manood.

“Pero alam mo, walang nag-refund. They all went back. They all watched.

“Kaya sobrang memorable talaga yung Silver.”

the silver concert in 2012

Sa dinami-dami ng araw na maaari siyang dapuan ng sakit, sa mismong araw pa ng concert ni Regine nangyaring nagkasakit siya at nawalan ng boses.

Dinapuan ng virus ang Asia’s Songbird na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang boses.

Ngunit sa kabila nito ay pinatunayan ni Regine ang kanyang propesyunalismo dahil itinuloy niya pa rin ang concert kahit hirap na hirap siya.

Pagkatapos ng kanyang opening number ay ipinagtapat ni Regine sa mga taong nasa loob ng Arena ang tunay niyang kundisyon.

regine velasquez silver concert

Pahayag niya, “Actually, madami rin po ang pinagdaanan ko para po… just to get here tonight.

“We’re thinking of cancelling the show altogether because I didn’t have a voice.

“But, inisip ko, para kanino ba ito… this show is a celebration…

“Minsan ka lang magse-celebrate ng twenty-five years sa industriya, palpak pa.

“Nandito naman kayo, dumating naman kayo.

“I know that you deserve more from me and I really would’ve wanted to give you more.

“You know, for the past six months, I’ve been trying to get back in shape… in fairness, ha!”

Patuloy niya, “Unfortunately, my voice parang na-traffic…”

Pagkatapos nito ay nakiusap ang Songbird sa audience na tulungan na lang siyang mairaos ang gabing iyon.

Sabi niya, “Okay lang ba sa inyo na ituloy pa natin ito? Kahit pumapagak-pagak ako?

“Tulungan niyo na lang ako. Tutal, kasama naman kayo sa celebration ng twenty-five years.

“Pasensiya na kayo, ha?

“But, but… even though my voice is not even fifty percent, I am a performer.

“This is what I’ve been doing for the past twenty-five years—so that’s what I’m giving you tonight.

“Dumugo man ang ilong ko at dumugo man ang lalamunan ko, s**t!” biro pa niya.

Dagdag ni Regine, “So we are celebrating my twenty-five years in the business. If you guys are up for it, I will continue.

“Okay lang ba sa inyo?”

Hindi naman magkamayaw ang mga taong dumagsa sa Arena sa pagbibigay ng encouragement kay Regine upang ituloy nito ang concert.

Pagkatapos nito ay kinanta ni Regine ang tatlong awitin na nilikha ni Maestro Ryan Cayabyab: “Kahit Ika’y Panaginip Lang,”Araw Gabi,” at “Tuwing Umuulan At Kapiling Ka.”

Sa kalagitnaan ng pagkanta ni Regine ay hindi na niya napigilang mapaluha dahil patuloy pa ring bumibigay ang boses niya.

Pero sa kabila nito ay tinapos niya ang kanta.

Sa bandang huli ay hiningi niya ang tulong ng audience sa pamamagitan ng pagsabay ng mga ito sa kanta.

Pagkatapos ay kinanta ni Regine ang hit song niyang “Dadalhin.”

Kahit hirap na ay pilit pa ring inaabot ni Regine ang matataas na tono ng kanta, ngunit halata ang kanyang frustration dahil hindi niya maibigay ang tamang paraan ng pagkanta nito.

Pagkatapos nga ng kanta ay sinabi ni Regine: “Guys, I really don’t know what to do… nothing’s coming [out].”

Dito na inamin ni Regine ang kanyang pangamba bago siya sumalang sa stage.

Naiiyak niyang sabi, “Actually, I was expecting for the worst.

“I was expecting that you would boo me. I was expecting that you guys would leave…”

Sa puntong ito ay marami sa audience ang napaluha sa sinabi ng Asia’s Songbird.

Pero nagawa pa ring magbiro ni Regine sa gitna ng pagbuhos ng kanyang emosyon.

Aniya, “Siguro hindi na lang muna ako magtu-Twitter para wala na lang akong mabasa. Iku-close ko na yung account ko!”

Ang tinutukoy ng singer-actress ay ang posibleng negatibong komento mula sa Twitter followers niya.

Pinasalamatan naman ni Regine ang lahat ng mga nasa audience dahil wala ni isang mang umalis sa kinauupuan nila sa kabila ng hindi siya makapabigay ng perpektong performance.

“Akala ko, ibu-boo n’yo ako, pero kayo pa yung nagtsi-cheer sa akin.

“Lalo ko pong naa-appreciate yung ipinapakita ninyong pagmamahal sa akin.

“You deserve more than this.”