Ibinahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Instagram Story ang direct message para sa kanya ng isang basher.
Sa isang expired Instagram Story ni Pia, nagkomento ang basher at nilait ang hawak na Hermes bag ng beauty queen.
Bakit daw brown at black lamang daw ang kulay ng bag ni Pia. Hindi raw ba nito afford ang mga “unique design”?
Buong komento ng basher, “Why black and brown Hermes purse is all you got? Para madali iterno? Di afford unique design??”
Sinundan pa ito ng basher ng tila pagsumpa niya kay Pia.
Ipinagdarasal daw nitong mag-divorce si Pia at asawa nitong si Jeremy Jauncey.
Hindi pa rito nakuntento ang basher.
Gusto pa nitong mabuntis muna si Pia para raw maging “divorce single mom” ito.
Ima-manifest daw ito ng basher.
Sabi ng basher, “Praying for your divorce soon, soon he will realize you are a user and can’t bring anything in the table.
“Pero MAs maganda if pregnant ka muna so you’ll be divorce single mom. Manifesting”
PIA WURTZBACH CALLS OUT RUDE BASHER
Ini-screenshot ni Pia ang magkasunod na komento ng basher at ipinost sa kanyang Instagram Story.
Sa kabila ng nakasusuklam na komento ng basher ay tinakpan pa rin ni Pia ang pangalan ng user bilang proteksiyon dito.
Naging magalang din ang former Miss Universe sa kanyang pagsita sa walang modong basher.
Sabi ni Pia, nakakasakit ang mga ganitong klase ng mensahe.
Sana raw ay hindi gawing normal ang mga ganitong pag-uugali online.
Umaasa rin siyang maging magalang tayo sa isa’t isa ngayong 2025.
Buong mensahe ni Pia: “Just another day, another DM. Wild, right? C’mon people.
“Bagong taon na. Nag CNY pa. It’s exhausting, and hurtful din ha.
“Let’s stop normalizing this kind of online behavior.
“Out na natin yung ganito for 2025 and instead, let’s be nice to each other and support and uplift one another.”
Halos dalawang taon nang kasal si Pia sa asawang si Jeremy.