Binasag na nga ba ni Pernilla Sjöö ang kanyang katahimikan matapos ma-link sa usap-usapang hiwalayan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo?
Ayon sa report ng GMA News, nag-post umano ng statement ang Swedish national sa kanyang Facebook account.
“I’m sorry guys, but don’t forget that I love Philippines,” saad ni Pernilla kalakip ang isang larawan kung saan nakasuot siya ng sportswear outfit.
Bukod pa rito ay may mas mahaba pang statement ang underwater photographer, na nakatira na sa Siargao mula pa noong 2013.
“I just don’t understand why some people have so much hate in their minds and bodies. I hope that if you ever make a hurtful comment, you can still sleep peacefully at night and smile knowing you’ve caused someone pain. I’m still human din naman. I still feel hurt, and when it’s too much, it cuts deep,” sabi ni Pernilla.
Dagdag pa ni Pernilla, sana raw ay maging mabait sa kanya ang publiko.
“We’re all going through something. Can we at least try to be kinder to one another? Naman. I mean no harm to others. If you will be kind to me, and I assure you that I’ll be kinder to you. Never judge someone without knowing the whole story. You may think you understand, but you don’t,” saad niya.
Ngayong araw, February 9, 2025, pinost sa Facebook ang naturang statement.
Ilang mainstream media outfit at blogs ang nagdala ng mga post na ito.
Hindi naman makumpirma ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung totoong kay Pernilla ang account kung saan galing ang mga post.
WHEN NETIZENS INVESTIGATE
Matatandaang si Pernilla ang itinuturo ng mga netizen na pinatatamaan ni Andi sa ilan niyang social media posts tungkol sa isang traydor na kaibigan.
Pagbubulgar ni Andi, kumuha raw ng couples’ tattoo ang asawa niyang si Philmar kasama ang isang kaibigang babae.
“Do you think its [suspicious] when a friend invites your life partner to get a love couples tattoo with them without even filling you in or consulting you?” post ni Andi sa kanyang Instagram noong gabi ng Biyernes, January 31.
At sa pag-iimbestiga ng mga netizen ay nakita ang larawan ni Philmar at ni Pernilla na may parehong tattoo na 224.
Nakita rin ng netizens na naka-unfollow na sina Andi at Philmar sa isa’t isa, kaya’t lalong umugong ang usapang hiwalayan.
Pitong taon na ang relasyon ng dating Kapamilya actress at ng surfing instructor. Engaged na sila noong 2020, at may tatlo silang anak.