Engaged na ang anak ng dating mag-asawang John Estrada at Janice de Belen na si Moira Estrada sa non-showbiz boyfriend nito.
Si Moira ay pangalawa sa apat na anak nina John at Janice. Ang iba pa nilang mga anak ay sina Inah, Kaila, at Yuan.
Sa kanyang Instagram account, inilahad ni Moira ang surprise proposal sa kanya ng kasintahang si Alfonso Miguel.
Saad niya, “This was how we planned to celebrate our third anniversary—working together on New Year’s Eve, followed by a simple dinner.
“But little did I know, he had something else in mind,.
“On a rainy night just past midnight on January 1, I said yes to my person.”
MOIRA GETS ENGAGED ON NEW YEAR
Januay 3, 2025, nag-post si Mora ng Instagram carousel na kinabibilangan ng highlights ng relasyon nila ni Alfonso Miguel, hanggang sa mangyari ang proposal nito sa kanya noong Bagong Taon.
Binanggit ni Moira na ang kanyang mga kapatid na sina Inah at Kaila ang naging kasabwat ng fiancé para maitawid ang surprise proposal nito.
“Special mention to my roomie @kailaestrada who kept the secret while living together, and @alexdequatro and @inah for helping set up at the condo while we were both working.”
Mensahe ni Moira sa mapapangasawa, “And to @alfonsomiguel_ ang galing mo I can’t wait to be your wife and I love you endlessly”
Bumuhos naman ang pagbati kay Moira mula sa mga kapatid at ina nito.
“Happiest for you sweetheart! Looking forward to seeing you in this next phase!” pagbati ni Janice.
Sunud-sunod din ang IG Stories nina Inah, Kaila, at Yuan tungkol sa engagement ng kanilang kapatid.
Sa mga anak nina Janice at John, sina Inah at Kaila ang pumasok sa showbiz at sumunod sa yapak ng mga magulang.
Habang sina Moira at Yuan ay piniling maging pribadong indibidwal.
