Miles Ocampo and Elijah Canlas PDA caught on camera

Love is sweeter the second time around para kina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

Matapos ang kanilang hiwalayan, tila unti-unti na nilang binubuksang muli sa publiko ang kanilang relasyong nanumbalik dahil sa kanilang pagmamahalan.

Miles Ocampo reconciliation with Elijah Canlas

Sa kumakalat ngayong video sa TikTok, makikita ang pagiging sweet nina Miles at Elijah sa kasal ng TV host-comedian na si Jose Manalo.

Ikinasal si Jose sa kanyang long-time partner na si Mergene Maranan sa Boracay noong December 17, 2024.

Kabilang sina Miles at Elijah sa mga bisitang dumalo sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

Si Miles ay co-host ni Jose sa TV5 noontime show na Eat Bulaga!.

MILES-ELIJAH CAUGHT KISSING ON CAMERA

Usap-usapan ngayon online ang in-upload na video ng isang netizen kung saan makikita sina Miles at Elijah na nag-smack kiss.

Miles Ocampo and Elijah Canlas PDA caught on camera
Sa video, makikitang nakaupo ang dalawa habang naglalakad ang mga bridesmaid at groomsmen nang biglang tumingin at lumapit si Elijah sa katabi niya noong si Miles para ito’y halikan sa labi.

NETIZENS’ REACTIONs

Dahil sa video nilang ito, marami sa netizens ang ngayo’y nagtatanong kung sila na ba ulit.

Mababasang komento ng isang netizen sa viral na video nina Miles at Elijah, “Sila ba ulit?”

Bagamat wala pang kinukumpirma sa publiko sina Miles at Elijah sa kanilang pagbabalikan, para sa ilan nilang tagahanga ay sapat na itong ebidensiya para masabing sila na ulit.

Saad ng isa (published as is), “waaaaah nag comeback na sila. So happpyyy.”

Sabi pa ng isa (published as is), “Ahhhh!!! I’m rooting for their relationship talaga and I’m so glad they’re back.”

Hirit pa ng isa (published as is), “nauna pang mag kiss the bride eh haha ang sweet naman.”

“Finally!! real na real nga talaga ang comeback,” dagdag pa ng isa.

Elijah on relationship status with ex-girlfriend Miles: “We’re doing good.”

Maiksi ngunit malaman at makahulugan ang naging pahayag ni Elijah nang matanong siya tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Miles.

Noong May 6, 2024, nakorner ng entertainment reporters si Elijah matapos ang advance screening at mediacon ng High Street, ang sequel ng Kapamilya top-rating youth series na Senior High, kunsaan isa si Elijah sa mga cast.

Dito ay nausisa siya kung totoo nga ba ang haka-hakang nagkabalikan sila ni Miles matapos nilang maghiwalay noong November 2023.

“Kumusta na kayo ni Miles?” tanong ng press kay Elijah.

Nakangiting sagot ng aktor, “We’re doing good. We’re very happy.”

Sundot pang tanong sa kanya, “Masaya naman kayo ngayon?”

Bago tuluyang hilahin ng mga nakabantay sa kanyang staff ay nakasagot pa si Elijah ng, “Of course, of course. We’re taking it easy.”

MILES & ELIJAH—A REKINDLED RELATIONSHIP?

Makailang beses nang naiintriga na nagkabalikan sina Elijah at Miles, matapos silang maispatang magkasama sa private events.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 1, naispatang dumalo si Elijah sa 27th birthday surprise party para kay Miles.

Mismong si Miles pa ang nagbahagi nito sa Instagram nang i-upload niya ang ilang kuhang larawang sa naganap na surprise party na inorganisa ng kanyang mga kaibigan.

Sa dami ng larawang ibinahagi ni Miles, isa ang nakaagaw-pansin sa netizens—ang larawan kung saan sweet na sweet sila ni Elijah.

Mas lalo pang naghinala ang kanilang fans nang i-post ni Elijah sa kanyang Instagram Stories ang litrato nila ni Miles, kalakip ang sweet birthday message nito sa dating nobya.

Mensahe ng aktor: “thank you for regularly making all of us smile one way or another, birthday girl. you are always loved”

Unang bahagi ng 2024 nang mapansin ng netizens ang umano’y muling pagkakamabutihan nina Elijah at Miles.

Ito ay base sa larawang in-upload ni A Very Good Girl director na si Petersen Vargas, kung saan kasama niya sina Miles at Elijah, noong March 24, 2024.

Sa nasabing larawan, makikitang nagpa-picture ang ilang kaibigan nina Miles at Elijah.

Kapansin-pansin ding nakayakap si Elijah mula sa likuran ni Miles.

Nangyari ito ilang araw lamang matapos kumpirmahin ni Miles na inaayos na nila ni Elijah ang kanilang relasyong tinuldukan nila noong nakaraang taon.

Sa panayam kay Miles na lumabas sa Frontline Pilipinas noong March 18, 2024, nausisa siya tungkol sa naging bakasyon niya sa Hong Kong.

Tanong ng entertainment reporter na si MJ Marfori kung dito ba ay kasama niya si Elijah.

Sagot ni Miles, “Hindi po. Mga kapatid ko po and parents ko. Family time.”

Sundot na tanong ni MJ, “Kayo na ba ulit [ni Elijah]?”

Maikli ngunit nakangiting sagot ng Eat Bulaga! host: “Let’s see. We’re working on it.”

Tumugma ang sinabi ni Miles sa naging sagot naman ni Elijah sa panayam ng ABS-CBN noong March 12, 2024.

Dito, natanong si Elijah ni MJ Felipe kung parte ba ng kanyang 2024 goal ang paghahanap ng bagong pag-ibig matapos ang breakup nila ni Miles.

Makahulugang sabi ni Elijah: “Looking for love? What if love pa?

“There’s always love within us, right? There’s always love within us… and I have so much love to give, you know.

“Honestly, I have so much love to give. So much love inside of me and I’m willing to give it to anyone who’s willing to accept.”