Fourth runner-up sa Mister Universe 2024 ang kinatawan ng Pilipinas, ang Filipino-Norwegian singer-actor na si Markki Stroem.
Ang itinanghal na Mister Universe 2024 ay ang fitness model na si Patrick Callahan ng Ireland.
Read: Kirk Bondad breaks silence after failed Mr. World 2024 bid
Ginanap ang grand coronation ng Mister Universe 2024 sa The Fonda Theatre sa Los Angeles, California nitong December 22, 2024 (December 23, 2024 sa Pilipinas).
Ang iba pang runners-up ay sina Cormac Murphy ng USA, first runner-up; Yusuf Hendratno ng Indonesia; at Xavier Rodriguez ng Dominican Republic, third runner-up.
MARKKI’S SPECIAL AWARDS
Bukod sa pagiging fourth runner-up, napanalunan din ni Markki ang special awards na Best in Talent at Best in National Costume.
Para sa National Costume, isang tikbalang-inspired costume na likha ng Filipino fashion designer na si Patrick Isorena ang isinuot ni Markki.
MARKKI’S BLOOPER
Umagaw naman ng atensiyon ni Markki ang kanyang introduction sa Mister Universe 2024.
Nang ipakilala niya ang sarili ay sinabi niyang siya ay mula sa “Land of the Rising Sun, Philippines!”
Alam ng marami na ang “Land of the Rising Sun” ay tumutukoy sa bansang Japan.
Kaagad namang humingi ng dispensa si Markki, sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, pagkatapos ng pageant.
Dito ay itinama na niya na ang Pilipinas ay “Pearl of the Orient.”
Dahil daw sa sobrang kaba kaya nagkamali siya ng sinabi.
Bahagi ng kanyang mensahe: “Happy to have represented the “Pearl of the Orient”, the Philippines! I am so deeply sorry, I guess, sometimes nerves take over.”