Engaged na ang aktres na si Louise delos Reyes sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Jino.
Sa Instagram post ni Louise nitong Linggo, December 23, 2024, masaya niyang ibinahagi ang naging proposal sa kanya ni Jino.
Kalakip nito ang ilang litrato kung saan si Louise ay nakayakap sa nobyo, at isa pa kung saan ipinapakita niya ang kanyang engagement ring.
![Louise delos Reyes now engaged to non-showbiz boyfriend](https://contents.pep.ph/images2/images2/2024/12/23/snapinstaapp-470937369-18472961107059016-5628526808204550336-n-1080-1734942625.jpg)
Base sa post, naganap ang proposal ni Jino kay Louise sa Hilton London Syon Park, sa United Kingdom, kunsaan sila nagbakasyon.
Mababasa sa caption ng aktres (published as is), “Yes [red heart emoji] #122124.”
CONGRATULATORY MESSAGES TO LOUISE AND JINO
Sa comments section ng post ay bumuhos ang pagbati ng ilan sa mga kaibigan at fans ni Louise.
Kabilang sa mga nagpahatid ng congratulatory messages sina Barbie Forteza, Bea Binene, Carla Abellana, Ryza Cenon, Karen Reyes, Janno Gibs, at Benj Manalo.
Komento ni Babie at Ryza Cenon, “Congratulations!!!!”
Saad naman ni Bea, “OMYGAHDDDDDD!!!”
Pagbati ni Carla, “Congratulations, Louise!”
“Waaahhh congrats sis!!!” sabi ni Karen.
Bati naman ni Janno (published as is), “Congrats .”
“Congratssssss!!!!,” dagdag pa ni Benj.
LOUISE-JINO RELATIONSHIP
Anim na taon nang magkasintahan sina Louise at Jino bago sila ma-engage.
Noong June 28, 2024, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang sixth anniversary. Nag-post si Louise sa Instagram ng larawan nila ni Jino na kuha sa kanilang anniversary celebration.
Mensahe noon ni Louise kay Jino, “We’ve been together for six years, and I can’t wait to see what our future holds.
“Thank you for being my rock and my wings, for never asking for anything in return, and for always putting me first.
“You are my best friend, my peace, my heart, my home. I love you.
“Happy 6th anniversary, Jino.”