Joshua Garcia spends quality time with girlfriend in Japan

Going strong ang relasyon ng magkasintahang Joshua Garcia, 27, at Emilienne Vigier, 26.

Sa kanyang Instagram Story kahapon, December 20, 2024, ibinahagi ni Joshua ang sweet photo nila ni Emilienne.

Nakasandal si Emilienne sa dibdib ni Joshua habang nakatayo sila sa isang street sa Japan.

Matchy-matchy sila sa suot na caps at winter jackets.

Walang caption si Joshua liban sa nilapat niyang background music na “Come With Me.”

Sa latest post ni Joshua ngayong araw, pinakita naman niya ang group photo habang kasamang kumakain sa isang restaurant ang ilang common friends nila ng nobya.

JOSHUA GARCIA AND EMILIENNE VIGIER SWEET MOMENTS

Nag-post din si Emilienne ng carousel sa IG ng pamamasyal nila ni Joshua sa Japan. Kabilang dito ang litrato nila na kita ang Mt. Fuji sa background.

Joshua Garcia and Emilienne Vigier overlooking Mt. Fuji
Photo/s: @emiliennevigier Instagram

May kuha rin sila habang sakay ng tren.

Joshua Garcia and Emilienne Vigier ride a train in Japan

Kitang-kita ang saya ng couple sa mga litrato.

JOSHUA GARCIA 2024 CAREER HIGHS

Well-deserved ang bakasyon ni Joshua matapos ang matagumpay niyang karera ngayong 2024.

Tinanghal si Joshua na PEP Most Influential 2024 Most In-Demand Endorser dahil siya ang may pinakamaraming endorsements sa male stars mula September 2023-September 2024.

Naitala rin ang tagumpay ng reunion movie nila ni Julia Barretto, ang Un/Happy For You, na kumita ng worldwide gross na P450M.

Naging abala rin si Joshua nitong 2024 sa taping ng inaabangang Kapamilya adaptation ng It’s Okay Not To Be Okay, kunsaan katambal niya si Anne Curtis.