Jericho Rosales, Janine Gutierrez celebrate Christmas together

Muling naghatid ng kilig sina Janine Gutierrez, 35, at Jericho Rosales, 45, sa kanilang fans.

Ito’y matapos maispatan si Jericho na present sa Christmas celebration ng pamilya ni Janine.

Sa ini-upload na video sa Facebook ng fan page ng dalawa noong December 26, 2024, makikita sina Janine at Jericho na magkatabi sa picture-taking ng pamilya ng aktres.

Jericho Rosales, Janine Gutierrez celebrate Christmas together

Nasa photo ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon at second husband nito na si Fadi El Soury.

Kumpleto rin ang tatlong kapatid ni Janine na sina Maxine, Jessica, at Diego Gutierrez.

Bukod sa mga ito, laking gulat at tuwa rin ng mga tagahanga ni Janine dahil naroon ang kanyang ama na si Ramon Christopher.

Matagal nang hiwalay si Ramon Christopher kay Lotlot, at maayos ang co-parenting nila sa kanilang mga anak.

Nagkatrabaho rin sila sa GMA serye na The Write One noong 2023.

JANINE’S COUSINS

Present din sa selebrasyon ang mga pinsan ni Janine na sina Ara at Rikki Mae Davao.

Sina Ara at Rikki Mae ay anak ng celebrity couple na sina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao.

Si Ramon Christopher ay nakababatang kapatid ni Jackie Lou sa ina nilang si Pilita Corales.

Jericho Rosales, Janine Gutierrez celebrate Christmas together
Photo/s: Screengrab on Facebook

JANINE-JERICHO’S REAL SCORE

Bukas sa publiko ang espesyal na turing at tingin nina Jericho at Janine sa isa’t isa.

Unang napansin ang espesyal na ugnayan ng dalawa nang magkatrabaho sila sa Kapamilya primetime series na Lavender Fields.

Dito gumaganap sila bilang mag-asawang Tyrone de Vera (Jericho) at Iris Buenavidez-de Vera (Janine).

First week of June nang pag-usapan online ang panunood ng sine nina Jericho at Janine na magkasama sa isang mall sa Makati City.

Hindi rin nakaligtas sa netizens ang pagdalo ni Jericho sa launch ng single ng nakababatang kapatid ni Janine na si Diego noong July 3.

July 11 nang mamataan muli ang dalawa na tila nagde-date sa National Museum sa Manila.

August 13, tuluyan nang inamin ni Jericho na nasa “dating stage” na sila ni Janine.

Sa panayam ni Jericho sa vlog sa YouTube ni Karen Davila noong September 20, ikinuwento niya kung paano nagsimula ang pagkakamabutihan nila ni Janine.

Pagbabalik-tanaw ng aktor, noong una ay nag-alangan siyang magkagusto at i-date ang aktres dahil sa agwat ng kanilang edad.

May nakapagsabi raw kasi noon kay Jericho na 24 years old pa lang si Janine na labis niyang ikinagulat, kaya napadalawang-isip siya kung itutuloy niya ang panliligaw rito.

Sa edad daw kasi niya ngayon, hindi na maisip ng aktor na makikipagrelasyon sa babaeng halos kalahati ng kanyang edad.

Nawala naman ang pag-aalangan niya nang malaman na 34 years old na si Janine noong nagsimula silang mag-date, at sampung taon lang ang agwat nito sa kanya.

Kuwento ni Jericho: “I agree with you on that, the purity part. So pure, I thought she was 24! EJ, my make-up artist said that she’s 24.

“And I said, ‘What?! Okay, bye,’ Alam mo yun? Bye, I’m not dating a 24-year-old girl.

“I Google, Google, Google, Google [and found out she’s 34] sabi ko, ‘Oh, okay puwede pala. Puwede pa pala.'”

Jericho recalls His Work Meeting-Turned-First Date With Janine

Dahil parehong bida sa Lavender Fields, mas napadali raw kay Jericho na mapalapit kay Janine.

Pagbabahagi ni Jericho, bukod sa ganda ni Janine ay nabighani rin daw siya sa ipinakitang ugali nito sa set ng kanilang serye.

Kaya naman dahil din sa kanilang proyekto ay nagkalakas-loob ang aktor na yayain si Janine na lumabas.

Kuwento ni Jericho: “One day I had asked her, ‘Would you like to do a script reading with me?’

“I’m sure she has her own version of the story. But why would I ask for a script reading? She’s the only person I haven’t worked with.

“She was going to be my work wife, my wife in the show. All of the decisions that my character was going to do in the show was because of the relationship that they have.

“This is not some easy working relationship. We needed to ano, so I said in my head: ‘Oh, coffee! Script reading and coffee!'”

Mabilis naman daw na pumayag si Janine na makipagkita sa kanya para mas lalo silang magkakilala na kailangang-kailangan para sa kanilang mga eksena.

“I brought my iPad out and she started laughing. She was like, ”Holy god, you have an iPad.’ I said, ‘Yes, this is a work meeting.’

“To cut the long story short, six hours later we never got to open the iPad. I was like, it ended up with like, Japanese food at 3:00 P.M. and then she went to her Lola Pilita Corrales and that’s it.

“And I was, ‘Wow, I can spend like, three hours talking to this girl…’ That’s when I felt something.”

JERICHO admires JANINE’S PERSONALITY

Ang pagiging kalmado at malambing ni Janine ang isa sa mga bagay na nagustuhan daw ni Jericho sa aktres.

Bukod pa rito ang pagiging magaling at maingat ni Janine sa pagdedesisyon sa mga bagay-bagay.

Ani Jericho: “She talks calmly, a sweet person who’s like, almost never upset about anything.

“[She] handles herself really well, with such humility.

“She’s this type of person that, okay, a ‘no’ is a ‘no’ and a ‘yes’ is a ‘yes’ and she knows her decisions and she does it in a very smooth and soft, tender kind of way.”