Jellie Aw, fiancee of Jam Ignacio, calls out Karla Estrada

Diretsahang pinangalanan ng club disc jockey na si Jellie Aw si Karla Estrada sa kanyang Instagram Story noong Sabado, January 18, 2025.

Si Jellie ang fiancée ng ex-boyfriend ni Karla na si Jam Ignacio.

JELLIE AW: “wag mo damay work ko nanahimik ako mommy”

Nitong nakaraang Sabado, maraming netizens ang nagulat sa Instagram Story ni Jellie.

Dito ay direkta niyang binanggit ang pangalan ng ex-girlfriend ni Jam na si Karla Estrada.

Hindi malinaw kung ano ang pinanggagalingan ni Jellie, ngunit sinabi nitong huwag idamay ni Karla ang kanyang trabaho.

Tila may pang-aasar din ang pagtawag ni Jellie kay Karla na “mommy.”

Sa isang club nagtatrabaho si Jellie bilang DJ.

Post niya, “Karla estrada nanahimik ako! wag mo damay work ko nanahimik ako mommy”

Jellie Aw Instagram Story

Wala pang reaksiyon si Karla sa post ni Jellie.

Engaged na si Jam kay Jellie noon pang November 11, 2024.

Sa Instagram noong buwan na iyon, nagbahagi si Jam ng mga larawan sa birthday celebration ng girlfriend na si Jellie.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagdiriwang, nag-propose si Jam kay Jellie.

Sabi ni Jam, “Hon Happy Birthday!!! [beer mug emojis]

“Happy ako kasama kita sa special day mo, kasama mo na ako every year [smiling face emoji]

“tanggal na yung sumpa [laughing emojis] naging triple celebration tayo. Basta Mahal na Mahal kita !!! [smiling emoji] I Love You !!!”

Kalakip ng post ay ang larawan nilang naghahalikan, at naka-highlight ang kamay ni Jellie na suot ang kanyang engagement ring.

Jam Ignacio and Jellie Aw engagement