Herlene Budol takes a swipe at former leading man Rob Gomez

Tanggap ni Herlene Budol na tampulan siya ng mga isyu.

“Favorite nga po ako ng mga atake, ng mga isyu…” pagsang-ayon ni Herlene nang banggitin sa kanyang madalas siyang masangkot sa mga kontrobersiya.

Pero para sa kanya, “Ibig sabihin may pakialam po sa akin yung mga tao. So, parang natutuwa naman po ako.

“Mas di ko daw dapat gustuhin na walang may pakialam sa akin.

“Hindi naman po ako attention seeker para pansinin [ako]. Siguro favorite lang nila akong magawan ng isyu.

“Pero thank you pa rin po ako kasi napapansin po ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Herlene nitong February 3, 2025, pagkatapos ng presscon proper ng Binibining Marikit, ang pagbibidahan niyang Kapuso afternoon teleserye.

Ito ang follow-up project ni Herlene matapos ang successful GMA drama series niyang Magandang Dilag noong 2023.

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang Magandang Dilag nang mag-leak ang screenshots ng private conversations nila ng leading man niyang si Rob Gomez.

Naging kontrobersiyal iyon sapagkat na-link sina Herlene at Rob, kahit sangkot noon sa isa pang isyu si Rob at dating karelasyong former beauty queen na si Shaila Rebortera.

Lalo pang naging kumplikado ang sitwasyon dahil nag-leak din ang umano’y private conversation ni Rob kay Bianca Manalo, na co-star nila sa Magandang Dilag.

Rason noon ni Rob, na-hack umano ang kanyang phone at may nagkalat ng private conversations nila.

Makalipas ang mahigit isang taon, bakas na hindi pa rin nakakalimutan ni Herlene ang pangyayaring iyon.

HERLENE BUDOL ON FORMER LEADING MAN

Sa presscon proper, nabanggit ni Herlene na matindi ang naging epekto ng isyung iyon sa kanya.

Kumonsulta raw siya noon sa psychiatrist para maproseso ang nangyari.

Nang makausap siya ng PEP, inusisa si Herlene kung naisip ba niyang katapusan na ng kanyang career nang pumutok ang kontrobersiya sa kanila ni Rob.

“Hindi ako natakot kasi alam ko yung totoo. Ang nag-worry ako, bakit hindi ako napagtanggol? Bakit sa dinami-daming involved dun, bakit walang nagsalita?” himutok ni Herlene.

“Kung sino yung taong involved dito. Siya yan yung tinutukoy ko kasi alam naman niya kung… alam naming lahat kung ano yung totoo.”

Sundot ni Herlene, “So, parang feeling ko, ginusto rin niya yung nangyari. Pero dapat nagsalita na lang siya—mas tinanggap ko yon—nagpakalalaki siya.”

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Herlene, malinaw na si Rob ang kanyang tinutukoy.

Usisa kay Herlene, hindi ba niya tinanong o hiniling kay Rob na ipagtanggol siya?

“Dapat hindi siya tanungin. [Dapat] nagsalita, nagpakalalaki.

“Mas maganda pong tingnan na ipagtanggol mo yung mga babae na na-involve,” pahabol ni Herlene.

Naka-move on na raw si Herlene mula sa isyu nila Rob, pero inaming hindi na sila nagkaayos.

Sabi ng komedyana, “Pero hindi naman na ako galit sa kanya. Na-let go ko na lahat ng negative na meron ako sa puso ko. Wala na lang din sigurong pagkakaton.

“Hindi na ako galit, pero hindi kami ayos.”

Halata namang masaya si Herlene na mabigyan muli ng pagkakataong maging bida sa isang teleserye.

“Pressured pa rin ang nararamdaman ko pero masaya ako. Andon yung kaba, takot ‘tsaka pangangamba baka hindi masuportahan, kagaya ng pagsuporta sa akin nung Magandang Dilag.

“Pero gusto kong i-‘let go’ kasi yung pagiging negavite thinking ko na yon. So, gusto kong ipag-pray, ipasa-Diyos na ang lahat.”

Binibining Marikit Cast
The cast of Binibining Marikit to start airing on February 10, 2025 on GMA Afternoon Prime. L-R: Migs Almendras, Jeff Moses, John Feir, Cris Villanueva, Kevin Dasom, Tony Labrusca, Pokwang, director Jorron Lee Monroy, Herlene Budol, Thea Tolentino, Almira Muhlach, and Ashley Rivera 

Leading men ni Herlene sa Binibining Marikit si Tony Labrusca at ang Thai-Irish male pageant titleholder na si Kevin Dasom.

Kasama rin dito sina Pokwang, Almira Muhlach, Cris Villanueva, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at John Feir.

Magsisimulang umere ang Binibining Marikit sa February 10, 2025, 2:30 ng hapon, Lunes hanggang Sabado.