Ellen Adarna shuts down netizen questioning Derek Ramsay’s outfit

Larawan ng isang buong pamilya ang ibinahagi ni Ellen Adarna sa kanyang mga followers sa Instagram kahapon, December 25, 2024, Araw ng Pasko.

Makikita sa picture si Ellen, asawang si Derek Ramsay, si Elias Modesto na anak niya kay John Lloyd Cruz, at si Liana Ramsay, ang panganay nila ng asawa.

Mapapansin ding nakapula sina Ellen, Elias, at Liana, pero si Derek ay naka-green na kamisa de chino.

Ellen Adarna and family Christmas photo

Ellen with son Elias Modesto, daughter Liana Ramsay (in Derek’s arms), and husband Derek Ramsay

Walang nilagay na caption si Ellen kundi Christmas tree emoji lamang.

Kaya naman ito ang isang tanong na sinagot ni Ellen.

Ayon sa netizen, “Why couldn’t Derrick at least dress in red?”

Hindi nagustuhan ni Ellen ang pangingialam ng netizen.

Diretsong reply ni Ellen (published as is), “paskong pasko omg nangingialam kaa!!! Fck off.”

Ellen Adarna, netizens

Tanong ng isa pa, bakit daw tinakpan ni Ellen ang mukha ng kanilang panganay ni Derek.

Aniya, “Why cover the babe face?”

Sagot ni Ellen, “to avoid evil eye.”

Ellen Adarna, netizens

 

ELLEN ADARNA REVEALS NAME OF BABY THROUGH INSTAGRAM STORY

Nitong mga nakaraang araw naman, napansin ng ilang mapanuring mata ng netizens ang gift card ng kanilang pamilya kung saan nakasulat ang kanilang mga pangalan.

Nakalagay sa mga gift cards ang “DEREK, ELLEN, ELIAS & LIANA.”

Ellen Adarna gift card

Mahihinuhang “Liana” ang ipinangalan nina Ellen at Derek sa kanilang panganay.

Ipinanganak ni Ellen ang baby girl nila ni Derek nitong nakaraang October 2024.