Dennis Trillo, Judy Ann Santos lead MMFF 2024 Gabi ng Parangal

Sina Judy Ann Santos at Dennis Trillo ang top winners sa gabi ng parangal ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap ngayong Biyernes ng gabi, December 27, 2024, sa Solaire Grand Ballroom sa Solaire Resort & Casino, Entertainment City, Pasay City.

Si Judy Ann ang nakakuha ng Best Actress in a leading role award para sa kanyang natatanging pagganap sa MMFF 2024 entry film na Espantaho.

Habang si Dennis naman ang kinilala bilang Best Actor para sa kanyang pagganap sa pelikulang Green Bones.

JUDY ANN’s ACCEPTANCE SPEECH

Hindi napigilang maging emosyonal nina Judy Ann at Dennis nang tanggapin nila ang kanilang mga parangal.

Ani Judy Ann, hindi niya inaasahang muli siyang makakatanggap ng Best Actress Award.

MMFF 2024 Gabi ng Parangal winners

Kaya naman umaapaw ang kanyang pasasalamat sa buong team ng Espantaho, mula sa direktor, co-casts, at staff crew.

Aniya, “Salamat po sa lahat ng bumubuo ng 50th MMFF. Espantaho team, para sa ating lahat ito.

“Acting is reacting. Naniniwala ako na hindi ko magagawa ang trabaho ko kung hindi dahil sa inyo.

“Sa lahat po ng kasama po sa MMFF, sa sampung napakagagandang pelikula, doon pa lang panalo na tayong lahat.”

Nagbigay-pugay din si Judy Ann sa kanyang pamilya sa suportang ibinigay ng mga ito sa kanya.

Saad niya: “Of course, this award is for my inspiration, my life, my rock, my husband Ryan [Agoncillo]. To my three beautiful babies—Yohan, Lucho, and Luna. To my mom, my brother and my sister.

“To the dear Lord, thank you po, hindi ko naisip na makakarating ulit ako dito.

“Para po sa aking mga kapwa nominado, para po sa ating lahat ito. To God be the glory. Mabuhay ang pelikulang Pilipino.”

DENNIS’ ACCEPTANCE SPEECH

Katulad ni Judy Ann, halos hindi rin makapaniwala si Dennis na siya ang nanaig sa Best Actor category, laban sa co-nominees niyang sina Vic Sotto, Vice Ganda, Piolo Pascual, Arjo Atayde, at Seth Fedelin.

MMFF 2024 Gabi ng Parangal winners

Pahayag ni Dennis, hindi na niya hinangad pa na magkaroon ng award dahil sapat na raw na parangal sa kanya ang pagkakapasok ng kanilang pelikula sa MMFF 2024.

Sabi niya, “Maraming salamat po dito sa karangalan na ito, isang napakalaking karangalan na tumanggap ng isang napaka-espesyal na parangal sa harap ninyong lahat.

“Lagi ko pong sinasabi na ngayong araw ng Kapaskuhan, ayoko na pong magpa-stress sa pakikipag-kompetensya o pakikipagpagalingan sa kahit kanino man.

“Dahil pakiramdam namin, panalo na kami noong naipasok pa lang sa sampung entries sa MMFF ang Green Bones. ”

Pinasalamatan din niya ang lahat ng bumubuo ng MMFF at Green Bones sa tiwala at pagmamahal na ibinigay ng mga ito sa kanya

Saad ng Kapuso actor, “Maraming salamat sa MMFF, sa MMDA, sa lahat ng mga nagdesisyon para maibigay ang lahat ng mga parangal ngayong gabi.

“Maraming salamat po sa mga taong naniniwala sa akin, sa GMA Films.”

Sa huli, sinabi ni Dennis na ang natanggap niyang parangal ay alay niya sa kanyang pamilya.

“Sa aking number one supporter, ang asawa kong si Jennylyn Mercado.

“Inaalay ko ang award na ito sa aking pamilya, sila po ang nag-inspire sa akin para pagbutihin itong ginagawa ko na ito, na imaximize lahat ng opportunity na ibinibigay sa akin.

OTHER WINNERS

Samantala, bukod kina Judy Ann at Dennis, naiuwi naman ni Ruru Madrid ang Best Actor in a Supporting Role award dahil sa pagganap niya sa Green Bones.

Best Actress in a Supporting Role si Kakki Teodoro (Isang Himala).

Nakuha ni Seth Fedelin (My Future You) ang Breakthrough Performance Award, Best Child Performer si Sienna Stevens (Green Bones), at Special Jury Citation Award si Vice Ganda (And The Breadwinner is…).

Habang ang pelikulang Green Bones ang nakakuha ng isa sa pinakamalaking award, ang Best Picture; second place ang The Kingdom; third place naman ang My Future You; at fourth place ang Isang Himala.

Naiuwi naman ng pelikulang Topakk at Isang Himala ang Special Jury Prize.

Best Director sina Crisanto Aquino (My Future You) at Michael Tuviera (The Kingdom).

Narito pa ang iba pang nanalo sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal:

  • Best Screenplay – Ricky Lee and Angeli Atienza (Green Bones
  • Best Visual Effects – The Kingdom
  • Best Cinematograph – Neil Daza (Green Bones)
  • Best Editing – Vanessa De Leon (My Future You)
  • Best Original Theme Song – “Ang Himala ay Nasa Puso” by Juan Karlos Labajo (Isang Himala)
  • Best Sound Award – Ditoy Aguila (Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital)
  • Best Musical Score – Vincent De Jesus (Isang Himala)
  • Best Production Design – The Kingdom
  • Best float- Topakk and Uninvited
  • Fernando Poe Jr. Memorial Award – Topakk
  • Gatpuno Antonio J. Villejas Cultural Award – The Kingdom
  • Gender Sensitivity Award – And the Breadwinner is…