Cristine Reyes deletes throwback photo with Barbie Hsu

Binura na ni Cristine Reyes ang kanyang post tungkol sa throwback photo nila ng yumaong Taiwanese actress at Meteor Garden star na si Barbie Hsu.

Ibinahagi ni Cristine ang throwback photo sa kanyang Facebook account ngayong Miyerkules, February 5, 2025 — na siya ring araw ng ika-36 kaarawan niya.

Cristine Reyes deleted post

Ayon sa post ni Cristine, ikinalungkot niya ang pagpanaw ni Barbie, sa edad na 48, dahil sa pneumonia noong Pebrero 2, 2025.

Nakasaad sa naunang post ni Cristine, “Rest in peace Shancai, our childhood favorite. Also, Happy 36th to me today.”

May hashtags itong #happybirthdaytome, #meteorgarden at #barbieshu.

Cristine Reyes post

MIXED REACTIONS TO CRISTINE REYES’ POST

Maraming netizens ang nag-repost ng throwback photo ni Cristine.

Ang ilan sa kanila ay hindi alam kung ano ang nais sabihin — ang makiramay dahil nalungkot din sila sa kamatayan ni Barbie o batiin si Cristine dahil sa kanyang kaarawan?

Komento ng isang netizen sa Facebook, “Nalulungkot ako sa nangyari sa kanya. By the way, masaya ako kasi Birthday mo, Cristine. Happy birthday! Pero malungkot talaga ang nangyari kay shancai. Pero happy birthday ulit, Cristine ah”

 

Ayon sa isa pa, “May You Rest in peace po my Teenage Idol Shan Cai Barbie Hsu (sad emoji) and Happy Birthday and more birthdays to come Idol Ms Cristine Reyes, Ganurn po, dalawa Ang bati para fair”

 

Ayon sa isa, “Mixed emotions (sad emoji)

 

Komento ng isa, “may pa double celebration (crying in tears emoji)

Netizens on Cristine Reyes

CRISTINE DELETES POST, TAKES A SWIPE AT BASHERS

Nakarating kaagad kay Cristine ang iba’t ibang reaksiyon ng netizens.

Bunsod nito, binura na lamang niya ang kanyang post.

Sa kanyang Instagram Story, muling binati ng aktres ang sarili at pinasaringan ang mga taong tinawag niyang “perfect.”

Mensahe ni Cristine (published as is), “2.5.2025

“Maligayang kaarawan sa akin Yun na lang.. oks na!?

“Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays..

“May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali e, diba?

“Marahil ako nga talaga ay nag-lukuksa ngayong kaarawan ko.

“Good?

“Ang daming magagaling sa mundo.”

Cristine Reyes posts about bashers