Unti-unti nang bumabangon mula sa pagkakalagpak sa kontrobersiya ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig-Miranda.
Sa Instagram kahapon, January 1, 2025, araw ng Bagong Taon, nagbahagi ng New Year’s Day message ang mag-asawa.
Mapapansi sa litrato na maganda at matiwasay ang ngiti ni Neri na katabi ni Chito.
Maiksi lang ngunit malaman ang mensahe nilang nakasentro sa pagiging grateful.
Buong caption ni Chito sa kanyang post (published as is): “Happy New Year!!!
“Nothing but gratitude. (praying hands emoji)
“May we ALL have a wonderful 2025 (heart emoji).”
Maraming celebrities ang bumati sa mag-asawa, kabilang na ang malalapit nilang kaibigang sina Kaye Abad at Bubbles Paraiso.
CHITO MIRANDA: “maraming salamat, Lord, for always taking care of us.”
Nitong nakaraang December 24, 2024, bumati na rin sina Chito at Neri ng “Merry Christmas” sa kanilang followers sa social media.
Ibinahagi ni Chito sa kanyang social media accounts ang family picture nila ni Neri, kasama ang mga anak na sina Miggy, Cash, at Pia.
Nasa likuran nila ang Christmas tree na may mga nakapaligid na regalo.
Sa caption, unang pinasalamatan ni Chito ang Panginoong Diyos na hindi raw sila iniwan.
Mensahe ng Parokya Ni Edgar frontman (published as is): “Merry Christmas mula sa Miranda Family.
“Maraming, maraming salamat, Lord, for always taking care of us.
“Thank You po kasi never Nyo kami pinabayaan.”
Ramdam daw ni Chito ang pagmamahal ng Panginoon sa pamamagitan ng mga taong nakapalibot sa kanila.
Aniya (published as is), “Sobrang ramdam namin yung pagmamahal Mo sa amin through the people You have chosen to surround us with.
“Pinakita Mo sa amin na inaalagaan Mo talaga kami sa pamamagitan ng aming mga pamilya, mga kaibigan, at lahat ng mga taong nagmamahal sa amin.
“Sila po talaga ang Pinakamahalagang regalo Mo sa pamilya namin, Lord.
“…and for them, we thank You.
“Maligayang, maligayang Pasko sa inyong lahat.”
NERI NAIG released after court granted motion to quash warrant of arrest
Noong Nobyembre 2024, nasangkot si Neri sa patung-patong na kaso.
Hinuli si Neri ng pulisya sa basement ng isang convention center sa Pasay City noong November 23.
Ito ay dahil sa mga kasong 14 counts of violation of the Securities Regulation Code (SRC) at syndicated estafa.
Umabot sa PHP1.7 million ang buong piyansa para sa 14 counts of security regulations violation at non-bailable naman ang syndicated estafa at estafa.
Noong December 4, nakalabas si Neri mula sa limang araw na hospital furlough.
Sa halip na bumalik siya sa piitan ay diretso nang nakauwi ang negosyante at dating aktres.
Ito ay matapos ipag-utos ng Pasay City Regional Trical Court (RTC) Branch 112 ang agarang pagpapalaya kay Neri kasunod ng pagpabor ng korte sa motion to quash ng kampo ng actress-businesswoman.
Pitong araw namalagi si Neri sa Pasay City Jail Female Dormitory matapos itong maaresto.
Malaking tagumpay para sa mga abogado ni Neri ang araw na iyon dahil bukod sa napaboran ang kanilang motion to quash a warrant of arrest, pinalaya rin si Neri sa kanyang pagkakakulong.
Ang motion to quash ay isang remedyong legal kung saan ang akusado ay pinapayagang kuwestiyunin ang legalidad ng warrant of arrest.