Carmi Martin admits she can relate to Maris Racal’s predicament

Ipinagmalaki ni Carmi Martin ang Netflix original film na mag-i-streaming sa Pebrero 27, 2025 kung saan suporta siya kina…

“Maris Racal! And Anthony Jennings!” kikay na kikay na pagmumuwestra ni Carmi sa lunch break ng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis motorcade nitong Pebrero 1, Sabado, sa Cabalen restaurant ng SM San Lazaro.

“Tuturuan kami para mabuhay ang sex life!”

Pasisiglahin ang mga boring marriage, ika nga sa trailer ng MaThon movie na Sosyal Climbers.

“Actually ang ganda ng pagkagawa. At saka ang ganda rin nung trailer niya,” sambit ni Carmi.

“Na parang hindi naman siya laging husgahan, you know. Let her see, pero it’s more of yung… yung parang… yung kung gaano sila kahusay as actors.

“Kung paano nila in-interpret yung script.”

maris anthony sosyal climbers

CARMI ON WORKING WITH MARIS AND ANTHONY

Kumusta ang pakikipagtrabaho kina Maris at Anthony?

“Naku, siyempre, ano lang ahhh! Naaawa ako dun sa batang yun!” bulalas ni Carmi, na ang tinutukoy ay si Maris.

“Sabagay ako rin, kasi ngarag. Kasi meron akong serye, lagare rin ako. Di siyempre bilang senior, di ba, medyo mahirap.

“So mahirap yung kunyari, alam mo kasi, I don’t have a manager, so makikiusap ka na, ‘Puwede po, ano, i-late call niyo na lang ako.’

“Kaya lang minsan, hindi talaga puwede kasi anlaki! Anlaki kasi parati ng eksena sa Sosyal Climbers.

“Naku, may isa, parang nahihirapan din ako! Pero siya, more than… kasi siyempre pag bida, di ba?

“Even sina Sen [Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.], si Sen din nakikita ko sa mukha, talagang pagod, e. Ano talaga, sa bida, mas mahirap.

“Kasi all the dialogues, di ba, andun sa kanila naka-focus. And you really have to deliver. Just like me, I have to deliver kahit na pagod.

“Kasi ang parating turo sa akin at ang pagkaalam ko, hindi mo mae-explain sa viewers na it’s already 4:00 A.M., tatlong araw na akong wlang tulog, yung ganun.

“You always have to do and give your best.”

Maliban sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis at Sosyal Problems, kasama si Carmi sa pelikulang Everything About My Wife na bida sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Sa Pebrero 26 na iyon ipapalabas sa local cinemas.

May tinatapos ding series si Carmi sa TV5.

Sa Marso, hopefully ay maipalabas na ang pelikulang Mudrasta kung saan ang papel niya ay best friend ng bidang si Roderick Paulate.

MATHON CHEATING ISSUE

Kinabahan ba siya nang sumambulat ang isyu ng MaThon at ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jamela “Jam” Villanueva? Nag-worry ba siya para sa Sosyal Climbers?

“Ahhh, hindi. Ang feeling ko lang, tao lang, e. Alam mo yun,” saad ni Carmi.

“Alam ko, mao-overcome yon. I’m not saying tama! Pero alam kong mapapatawad naman sila ng mga tao.

“I’m sure, andaming gumagawa nun. And once, nangyari na rin sa akin!” natatawang pagtatapat ni Carmi na napayuko habang hawak ang kanyang dibdib.

“Ha! Ha! Ha! Ang suwerte ko lang at walang social media!”

Sino yun? Sino?

“Ang laking SINO YUN?!”

Artista ba yun?

“Wala, secret na. Halungkatin niyo.”

Ayaw i-divulge ni Carmi kung sino yun.

“Huwag na! Nakalusot na nga, e!”

CARMI MARTIN REGRETS ENTERING INTO A LOVE TRIANGLE

Mula nang ipakilala si Carmi bilang isa sa leading ladies sa pelikulang Dolphy’s Angels noong 1980, hindi siya nasangkot sa isyung mala-Maris Racal.

Ang na-link sa kanya noon ay si Apa Ongpin, at single ito noon.

Bilang babae, naiintindihan niya si Maris?

“Well, hindi, pero alam kong mali yun. Kasi nung nangyari sa akin… ang hirap ng pinagdaanan ko,” pagsisiwalat ni Carmi.

“At talagang sising-sisi ako for what I did. I’m sure she felt that way also. At ang masakit kasi sa kanya, may social media.

“Pero I know, it will pass. And sana huwag naman masyadong husgahan. At sana patawarin na rin siya nung ano.”

Naulit pa ba ang pagiging marupok niya?

“Naging marupok pa rin ako pero sa isang tao na lang. Hindi na ako nakipag-love triangle!” nakangiting bulalas ni Carmi.

Sa kaso ni Maris, hindi naman daw kasal sina Jam at Anthony…

“Ay! Hindi rin naman kasal yung sa akin! Ahhh! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak muli ni Carmi.

Kung lalapit sa kanya si Maris at hihingi ng payo, ano ang ibabahagi niya rito?

“Sasabihin ko, ‘Been there, done that.’ And sasabihin ko lang na it’s a big lesson, mahirap talagang umapak sa may karelasyon.”

Pareho nang walang sabit sina Maris at Anthony.

“O, di puwede na!”

Gusto niyang makita together ang MaThon?

Tumango si Carmi, “Oo! Sasabihin ko, ‘Uy! Nagawa ko na yan dati! Hindi ko lang kayo ma-text.’”

Siyangapala, magfi-finale ang Season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis bukas, Pebrero 2, Linggo ng 7:15 P.M. sa GMA-7.

walang matigas na pulis cast