BJ Pascual reveals “worst experience” with singer Denise Julia

Diretsahang tinawag ng celebrity photographer na si BJ Pascual na unprofessional ang Filipino R&B singer na si Denise Julia, makaraan niya itong muntikan nang makatrabaho kamakailan.

Sa pag-guest ni BJ sa podcast ni Killa Kush’s nitong Biyernes, December 20, 2024, naitanong sa kanya kung sino ang maituturing niyang “worst celebrity/model to shoot.”

Dito ay hindi nagpaawat si BJ na pangalanan ang aniya’y hanggang ngayon ay pinanggigigilan niyang celebrity dahil sa ipinakita at ipinaranas nito nang minsan siya nitong i-book bilang photographer.

Ang celebrity na tinutukoy ng BJ ay walang iba kundi si Denise Julia.

Saad ni BJ: “I’m very candid about this like the worst person I shoot before was Kristine Hermosa.

“But now, this is the very recent, ito na yung bago kong worst. Kasi Kristine Hermosa is an angel now.

“This one kasi [yung recent] many levels e, professional and financial. Okay, nanggigigil pa rin ako hanggang ngayon.

“Like, kaya kong sabihin kung sino siya…so [siya] si Denise Julia.”

BJ Pascual claims Denise Julia’s team canceled a shoot at the last minute

Pagbabalik-tanaw ni BJ nagsimula lamang niyang kamuhian si Denise Julia nang minsan itong lumapit sa kanya para kunin siyang photographer sa ilalabas nitong album cover.

Bagamat may naririnig na raw si BJ na mga haka-haka tungkol kay Denise Julia, ipinagsawalang bahala lang daw niya ang mga ito sa kagustuhang tulungan ang singer.

Aniya, “I have heard so many bad things about her, so I guess medyo kasalanan ko rin that I still took the job. It’s more pa nga as a passion project, e.

“Because her manager, JV called me many times, as in like would message me on Instagram and we had like a meeting ganyan.

“At that time, I was very creatively burnt out and parang looking for something new to do so I was like, ‘Oh my God, yes.’ I’m a fan of her music.

“I love supporting young people. In the beginning, they want someone to shoot her lang, change her image, and level up lang, e favorite ko yung mga ganyan, yung ime-makeover lang.”

Makalipas daw ang isang buwan ay muling tumawag ang manager ni Denise Julia para muling himukin si BJ na maging parte ng ilalabas na album cover ng singer.

Kuwento ni BJ: “A few months later, tumawag sa akin [yung manager]. May bagong album, bagong single, so they wanted me to shoot the album cover. I was like, ‘Sige, game!’

“At that time, I was really looking for something new to do so, I was like I volunteered to… sabi ko ‘I’ll do the album cover and I also want to do the music video.’

“‘Coz I’ve never done a music video before. So sila, they’re like, ‘Sige let’s do it.’

“So I got my friends on board, even nga my friends did not want to work with her because of all the stories. Sabi ko sa kanila, ‘Sige na please, pagandahin natin siya.’

“Nakita ko naman kasi may potential, may igaganda pa.

“So everything came for me… from my end. Even the top designer in the TV production, si Princess Barretto. I got her onboard to do this for free essentially.

“Ang babayaran na lang nila [Denise Julia] is manpower and materials. There is no talent fee. This is charity work na.”

Sinangguni raw agad ni BJ sa team ni Denise Julia ang naisip niyang concept, na hindi nagtagal ay nagustuhan din nila kung kaya’t agad-agad daw ay nagset sila ng petsa para isagawa ang photo shoot.

Planado na raw ang lahat.

Naka-book na rin si BJ ng studio, maging ang kanyang team ay handang-handa na rin sa photo shoot na gagawin nila kay Denise Julia nang walang kaanu-anong tumawag daw ang manager ng singer sa manager ni BJ para ipakansela ang naka-schedule nilang photo shoot.

Pahayag ni BJ: “This is one day before the shoot. Kasado na lahat. We booked Gamma, PHP80,000 yung [rent doon.] We’re doing four sets in one big studio. So sabi ng manager ko, ‘They want to cancel the shoot.’

“The reason was nag-flake daw yung hairstylist nila. So sabi namin, ‘Oh we can contact a list of girl we know the best hair stylist in the industry.’

“This was already 10 P.M. Call time namin is 6 A.M.[the next day, and si Denise] 8 A.M. How many hours na lang before the shoot? We have been setting the set since 4 P.M.

“And then JV was like, ‘Oh we can’t, I don’t think we’re ready to do it tomorrow.'”

Dahil sa kagustuhan ng team ni Denise Julia na i-cancel ang nakatakda niyang shoot, minarapat daw nina BJ na ipaalam dito na malaki na ang kanilang ginastos at kailangan na nila itong ipabayad sa singer.

“So my manager was like, ‘Okay, but we have to pay cancellation for sa studio, the production designer and the stylist,’ ako kasi okay na e [kahit hindi na mabayaran].

“Biglang nag backtrack si manager. Why did you go with everything wala pa naman daw confirmation.

“Walang confirmation? Excuse me! This is the day before the shoot. Kayo ang nagpumilit mag-shoot on this day.

“Ang ending, ayun ayaw nilang ituloy. Ayaw magbayad,” nanggagalaiting kuwento ni BJ.

BJ callS another celebrity to schedule a photoshoot

Dahil sa paghihinayang ni BJ sa effort ng kanyang team at sa kanilang ginastos, minarapat na raw niyang tumawag sa mga kakilala niyang celebrity na gustong magpa-photoshoot.

Pagbabalik-tanaw niya: “I was stressed because I was shooting until 10 or 11 P.M. that night for another thing, sabi ko sa manager ko, ‘Sige i-cancel mo na, ako na ang magbabayad.’

“So, I paid for everything. Sabi ko din sa kanila, ‘Magshoot na lang tayo ng iba. May ibang mas deserve ng ganda rito. Sayang kasi ang ganda ng mga set.

“So si Sarah Lahbati has been wanting to shoot pero never kami nagkaroon ng time to shoot together.

“So I called her, ‘Busy ka ba tomorrow?’ and she’s like, ‘I have meeting with my laywer, bakit anong ganap?’

“Sabi ko, ‘Do you wanna mag-shoot?’ and I told her the story and yeah she’s going to split na lang with me yung costs.”

Dagdag pa ni BJ, “Nahihiya kasi ako sa mga taong naabala. Yung bayad na yun pa thank you na lang sa kanila kasi for the time and effort.

“Everyone wanted you to look good and for that to happen sayang yung effort, Pero at least may nagawa pa rin kami.”

Bukod sa perwisyo na ginawa ng kampo ni Denise Julia, ang mas ikinasasama pa raw ng loob ni BJ ay hindi siya nakarinig o tanggap ng sorry sa singer.

Sabi ni BJ, “After that, I never heard from her.

“No thank you, no sorry, no anything. No, ‘What happened?’ Just nothing.”

Is this Denise Julia’s response to BJ’s allegations?

Samantala, dahil sa rebelasyon ni BJ, agad na nagtrending sa X (dating Twitter) ang pangalan ni Denise Julia, kunsaan marami sa tagahanga ni BJ ang ngayo’y galit at nanggagalaiti na rin sa kanyang ginawa.

Ilang oras lamang nang magsimulang pag-usapan ang worst experience ni BJ kay Denise Julia ay ang pag-anunsyo naman ng singer na mawawala siya panandalian sa social media.

Sa kanyang Instagram Story ngayong, Sabado December 21, ipinaalam ni Denise Julia na siya ay magso-social media detox.

Mababasa sa kanyang post (published as is), “aaand that’s officially my last post for the year. socmed break starts now. detoxing from the digital world. apps deleted, focus restored. will be back next year! i love u guys.”

BJ Pascual reveals worst experience with Denise Julia