Napuno ng emosyon ang Dolphy Theater sa ABS-CBN Building nang mag-renew ng exclusive contract ang P-pop girl group na BINI sa ABS-CBN.
Nitong Huwebes, February 4, 2025, nang tuluyang pumirma ng kontrata ang BINI sa Kapamilya network.
Present sa nasabing contract signing ang top executives ng ABS-CBN
Narooon sina ABS-CBN chairman Mark L. Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo L. Katigbak, COO of Broadcast Cory V. Vidanes, at ABS-CBN head of TV Production and Star Magic head Laurenti Dyogi.
Matapos pumirma ng kontrata ay sinamantala na ni Cory na pasalamatan ang BINI sa patuloy na pagtitiwala ng mga ito sa ABS-CBN.
Panimula ng ABS-CBN top executive, “Congratulations and thank you very much. Thank you for your continued trust in ABS-CBN.
“You trusted us from the day each of you auditioned for BINI until today that we signed our new contract.”
Inihayag din ni Cory ang labis niyang paghanga sa grupo dahil sa pag-asa at parangal na ibinibigay ng mga ito sa P-pop industry.
Aniya: “This contract is very important to all of you and to all of us because this is a commitment to our shared goal of world-class excellence.
“Congratulations on all your successes. We are very proud of who you have become and all that you have achieved.
“You have proven to be amazing, authentic and empowered women with excellent talent and big hearts that are filled with love to share to everybody.
“BINI, you are very special and you have become a part of Pinoy culture.
“You have won the hearts of millions of Filipinos worldwide. You rightfully deserve to be called our Nation’s Girl Group and the pride of Filipinos.”
Noong December 2020 nang unang pumirma ng kontrata ang BINI sa ABS-CBN, matapos nilang mag-debut noong 2019.
BINI JHOANNA: “this contract signing is not just a milestone…”
Pagkatapos magbigay ng mensahe ni Cory ay isa-isa na ring pinagsalita ang miyembro ng BINI.
Sinimulan ito ng leader ng grupo na si Jhoanna nang pasalamatan niya ang bosses ng Kapamilya network.
Aniya: “Sobrang overwhelming yung nangyayari, especially last year parang nag-iba yung takbo ng [buhay namin].
“Kinakabahan, natutuwa, and sobrang grateful lang kami for this day. This contract signing is not just a milestone, it’s a promise that palagi naming gagalingan.
“We will continue working hard and grow as artists. Thank you so much ABS-CBN dahil kasama namin sila sa mga susunod naming taon sa pagtupad nang mas marami pa naming pangarap.”
BINI AIAH: “Thank you so much because you allowed us to be us.”
Katulad ni Jhoanna, pasasalamat din sa ABS-CBN ang naging mensahe ni Aiah.
Saad niya: “Thank you because you are the very first ones who believed in us when we were still in our teenage years. Mostly sa amin away from our family and friends and it was really hard for us.
“We trusted you po and thank you so much for trusting us as well.
“We are going to keep trusting you until we are on our 30s or how many years to come. Thank you so much because you allowed us to be us.”
BINI GWEN: “We would also want to thank the team BINI.”
Hindi rin nakaligtaan ni Gwen na bigyang pugay ang mga kasamahan nilang staff sa likod ng camera.
Mensahe niya, “We would also want to thank the Team BINI. Thank you so much, to all our staffs, utility, glam team, voice and dance coaches, to our road manager, and of course to our manager, thank you po.
“Sila po yung kasama namin from the very start, sila po yung nag-guide, nagmahal, nagtiwala sa amin, at nagbigay ng advice noong mga panahong wala pa kaming kamuwang-muwang sa tinatahahak po namin.”
BINI MIKHA: “we would just like to say thank you Blooms.”
Bukod sa kanilang home network, pinasalamatan din ng BINI ang kanilang masusugid na tagahanga, ang Blooms.
Mensahe ni Mikha: “Kita niyo naman na-appreciate namin yung ginagawa niyo, di ba?
“Sobrang nakakatuwa lang kasi never naming in-expect na may mga Blooms na makakapansin sa mga bagay na hindi namin in-expect na mapapansin nila na they really show genuine care sa amin.
“To have you guys in this journey of ours, we would just like to say thank you Blooms.
“Feeling ko yung napapanood niyong videos namin is just maybe twenty or ten percent of what we actually went through to be here, where we are now.
“Kaya sobrang grateful namin sa inyo kasi, you guys are the fruit to our labor to be honest, lahat ito.
“We went through so much and sobrang nakakatuwa… We are very grateful talaga na hindi namin alam kung paano i-express sa inyo that’s why we try to express it in our craft.
“We may not be one hundred percent all the time in front of you guys, we may not be always okay [or] smiling sometimes, but it’s okay kasi, I feel that’s what make us authentic.”
BINI STACEY:”Yung mina-manifest namin noon, e, unti-unti na ngayong natutupad.”
Dagdag pa ni Stacey: “Thank you so much kasi hindi niyo kami binitawan lalo na yung mga times na hindi kami super active sa social media and everything. Thank you dahil nandiyan kayo palagi for us para sa aming girls.
“Kayo yung laging nakakaintindi sa amin Blooms. Naalala ko na grabe din kasi yung journey naming BINI, kasi pinaghirapan din talaga namin kung nasaan kami ngayon.
“Grabe kasi yung nakikita niyong walo dito, nag-audition talaga kami. Like, pinilahan talaga namin kung nasaan kami ngayon.
“Kaya super thank you sa mga nagtiwala sa amin… Yung mina-manifest namin noon, e, unti-unti na ngayong natutupad.”
BINI COLET: “Continue lang natin yung healthy relationship natin sa isa’t isa.”
Ang Blooms din ang unang pinasalamatan ni Colet, kalakip ang kanyang hiling na hanggang sa huli ay mapanatili ang healthy relationship nila sa kanilang mga tagasuporta.
Pahayag niya: “Sa Blooms, sino ba ang mag-aakala na maggu-grow tayong lahat? Sixty five (65) lang tayo dati, bilang pa namin kayo, memorized pa namin yung mukha niyo.
“Pero ngayon blurred na lahat, hindi na namin kayo mamukhaan sa dami.
“Thank you po sa support na ibinibigay niyo sa amin palagi. Ramdam na ramdam po namin yung love na pinaparamdam niyo sa amin.
“Continue lang natin yung healthy relationship natin sa isa’t isa.”
BINI SHEENA: “Thank you talaga, Lord.”
Higit sa mga taong tumulong sa kanilang tagumpay, itinataas lahat ng BINI sa Poong Maykapal ang lahat nang mayroon sila ngayon.
Sabi pa ni Sheena, “Thank you talaga, Lord. All of this wouldn’t be possible without Him.
“Just imagining iyong mga sacrifices and challenges na pinagdaanan namin, hindi namin masu-survive yon kung we didn’t trust Him and we didn’t trust His plan.
“Thank you, Lord. Every day sinasabi namin na we lift up all the blessings to Him.”
BINI MALOI: “thank you for this life, thank you for giving me life.”
Sa huli, emosyunal na pinasalamatan ni Maloi ang co-members niya sa BINI dahil sa aniya’y pagbibigay nito sa kanya ng katuturan para magpatuloy sa buhay.
Saad niya: “Gusto ko lang din magpasalamat sa BINI, thank you for this life, thank you for giving me life.
“Thank you for being part of my life. And let’s live this life happily kahit marami tayong pagdadaanan pa.
“Alam ko na itong buhay na ito, ito ang ikukuwento natin sa lahat.”