Spotted na muling magkasama ang rumored sweethearts na si Kapuso news anchor Atom Araullo at si Kapamilya news anchor Zen Hernandez.
Sa post ng ABS-CBN chief of reporters na si Jeff Canoy kagabi, February 1, 2025, ibinahagi nito ang reunion nilang news reporters at ng dati nilang head sa ABS-CBN News na si Ging Reyes.
Caption ni Jeff, “The mother, her dragons and gilded cages.”
Kinilig naman ang ilang netizens nang mapansing magkatabi sina Atom at Zen sa larawan.
Komento ng isang netizen sa post ni Jeff, “Ay kinikilig ako magkatabi ang ZenAtom (heart emojis) @zenhernandez @atomaraullo you look good together! My (heart emoji) is kinikilig.”
ATOM ARAULLO CONFIRMS “GREAT RELATIONSHIP”
Pribadong-pribado ang love life ni Atom at Zen.
Pero may nagpapatunay na may namamagitan talagang relasyon sa dalawang news anchors mula sa magkalabang istasyon.
Noong October 26, 2024, sa YouTube channel ng ABS-CBN News Channel (ANC) anchor na si KC Constantino, naitanong ni KC ang tungkol sa espesyal na babae sa buhay ni Atom.
Hindi pinangalanan ni KC kung sino ito, pero malinaw sa kanilang mga pahayag ni Atom na kasamahan nila ito sa industriya.
Malinaw rin na si Zen ang babaeng tinutukoy nila.
Tanong ni KC kay Atom, “What drew you to her?”
“You guys are so easy,” papuri ni KC kina Atom at Zen.
May pag-aalinlangan si Atom, subalit sinagot niya ang tanong.
“Well, I like that she has her own dreams, she has her own life, she has her own career, and priorities…” sabi ng Kapuso anchor.
Binanggit din ni Atom na madali silang nagkakaunawaan ng babaeng sinisinta dahil iisa sila ng industriyang kinabibilangan.
Klaro rin sa mga pahayag ni Atom na isang romantic relationship ang namamagitan sa kanila ng babaeng ito.
Sabi ni Atom, “I feel like the reason why we work is because we support each other, and we let each other grow.
“And it’s nice to have someone who understands my work.”
Sa huli ay tinawag pa niya itong “great relationship.”
Pagpapatuloy ni Atom, “Kasi it can be difficult — the time, the stress, and kahit yung chismis, e.
“Nagkakaintindihan kami sa chismis. Alam niya exactly what I’m talking about, and vice versa.
“So, yeah, it’s a great relationship, in that sense.”