Kahit nauwi sa hiwalayan ang pitong taong relasyon nina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, naniniwala pa rin si Ai-Ai na naging maganda pa rin ang taong 2024 para sa kanya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang komedyana sa nakaraang launching ng VBank na ginanap sa VBank Lounge, Bridgetown Destination Estate noong nakaraang December 15.
Lahad niya, “Alam mo, 2024 is still a good year for me kasi marami namang shows sa America.
“I think yung nangyari [the breakup], nagkataon lang yun.
“I’m still thankful, nagpapasalamat pa rin ako kasi maraming blessings ang dumarating sa akin.
“Nagpapasalamat pa rin ako kasi yung mga maliliit na bagay sa buhay natin—like nabubuhay pa rin ako, wala akong diperensiya, wala akong sakit—is a blessing from God.”
Positibo si Ai-Ai na magiging maganda at mabunga ang taong 2025 para sa kanya.
“Ang lahat ng hula sa akin, bonggang-bongga ako sa 2025 and I think nagsimula na.
“Projects? Super, as in super, super, super, super. Gusto ko mag-Metro Manila Filmfest kasi thirty-five [years] na ako sa showbiz, thirty five years anniversary, kaya maganda ang 2025 sa akin.
“Tapos yung concert, movie, narinig niyo sabi ni Manong, kung ano ang sinabi ko tinutupad niya, so kasama ako sa movie ng GMA,” pagtukoy niya kay senatorial candidate at former Ilocos Sur governor Chavit Singson, na siyang may-ari ng VBank.
Nang tanungin namin kung ano ang mga natutunan niya sa pag-ibig na ia-apply niya sa susunod na papasuking relasyon ay umiwas na sumagot si Ai-Ai.
AI-AI TO FOCUS ON SELF-LOVE, SELF-IMPROVEMENT
Siniguro niya lang sa amin na ang focus niya ngayon ay ang pagmamahal sa sarili at mga nakalinyang trabaho na sisimulan niyang gawin.
Paliwanag niya, “Pag tungkol kasi sa love, ayoko munang magsalita kasi nasa ano pa ako, recovery stage.
“Super self-care. I love myself very much saka trabaho muna. Activities, madami — super dance, super gym, super pray, super sleep saka super read. Nagri-read ako ng mga books.
“Nakakatulong siya, parang yung di ko nagagawa dati, gagawin ko ngayon.
“Mag-a-abroad ako, pupunta kami Bangkok, ng Japan, pupuntang Korea kasi sabi nga ni Manong Ninong gagawa ng movie,” muli niyang banggit kay Chavit.
Sa bansa magseselebra ng Pasko si Ai-Ai pero sa Pebrero ay babalik siya ng Amerika.
Hirit pa niya, “Charity pa rin, ako sa bahay lang. Babalik ako ng US sa February 3 kasi may mga gagawin pa ako sa January, may mga launching pa kasi ang V Bank.
“Campaign? Malamang nandiyan ako, sabi nga niya paborito niya [Chavit] ako, yes.”
“I think mas ganun ngayon, mas marami akong projects dito pero ganun pa rin, uuwi pa rin ako kailangan, e. Pag green card holder ka, kailangan parati ka ring nandun sa residency mo.”