Suportado ng Lopez clan ang plan ni Beaver Lopez na pumasok sa pulitika.
Ito ang sinabi ng dating ABS-CBN executive sa isang meet the press event, kung saan kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), para sa party list niyang Partido sa Bagong Pilipino (PBP).
Si Beaver, na sa ngayon ay presidente ng The Rockwell Club, ang second nominee ng naturang party list.
Kuwento niya, noong nakaraang taon niya pa ipinaalam sa mga kapatid ang balak niyang pagsali sa magulong mundo ng pulitika.
“Actually in February of last year, I called for a meeting. Kausap ko sila, siyempre I am close to my brothers. Alam naman nila,” saad ni Beaver.
Ano ang opinyon ng Lopez brothers sa pagtakbo niya?
“They’re supportive, at the same time, medyo kabado. Kasi nga it’s new to us. Kasi in politics, your life is an open book,” sagot niya.
Ang tinutukoy na “brothers” ni Beaver ay sina Mike Lopez, na senior vice president sa Rockwell Land Corporation, at si Mark Lopez, na chairman ng ABS-CBN.
Ang kanilang ama ay ang business tycoon at Philippine Ambassador na si Manolo Lopez, na namayapa noong January 2023.
Pahayag ni Beaver, nais niya raw maging party-list representative para maipagpatuloy ang legacy ng kanyang ama, na kilala rin sa public service.
“When my dad was with Meralco, he was very much into corporate social responsibility. That is one thing that he pushed talaga. He always gives back,” pag-alala niya sa kanyang ama.
Ang pagkakawang-gawang ito raw ang nais niyang ipagpatuloy sa PBP.
“Giving back, that is something that I learned. I said I want to continue that with the party list. I want to continue his legacy,” paliwanag ng 57-year-old business leader.
Naganap ang panayam kay Beaver noong January 23, 2025, sa The Rockwell Club sa Makati City.
DECIDING TO JOIN POLITICS
Pinag-isipan daw ni Beaver nang mabuti ang pagsali sa pulitika.
“Now that my dad has passed, there’s a strong calling to run. I felt good about it, I prayed for it. I did a lot of things before I said yes,” sabi niya.
Naging perfect timing daw ang kanyang desisyon dahil noon din niya nalaman ang tungkol sa PBP.
Ang naturang party list ay itinatag ng kanyang malapit na kaibigan na si Atty. Gregorio “Goyo” Larrazabal, na dating commissioner sa Commission on Elections (COMELEC).
Noong January 2024, habang nagka-catch up silang magkaibigan over coffee ay nasabi ni Goyo sa kanya ang tungkol sa PBP.
“When he said that, right there and then, sabi ko, ‘Baka puwede ako diyan?’” kuwento ni Beaver.
At noong sumunod na buwan ay ipinaalam ni Goyo sa kaibigan na kasali na siya sa party list bilang second nominee.
RUNNING FOR ABS-CBN FRANCHISE?
Ang plataporma ng PBP ang pagpapaunlad ng mga mahihirap na mga barangay sa buong bansa, kaya’t ito rin ang tututukan ni Beaver kung sakaling makapasok siya sa Kongreso.
Gayunpaman, hindi maiiwasan ang pag-iisip ng mga taong nakakasalamuha niya na tumatakbo siya para mabigyan muli ng franchise ang ABS-CBN.
Pinabulaanan ito ni Beaver, na dating marketing director ng ABS-CBN International.
“First of all, I’m running on my own. So there’s really no family-family. I’m not running for ABS or to push for ABS,” sabi niya.
Pero bukas siyang suportahan ang sinumang kongresista na nagbabalak na gumawa ng batas para sa bagong franchise ng Kapamilya network.
“Definitely, we’re in Congress, you know? There’s a lot of things we can do. We can support, we have friends in Congress, di ba? Personally, I’d like to support it, di ba? Once upon a time, I was an employee of ABS,” saad ni Beaver.