Is this Precious Larra Su’s countermove to Philip Laude’s suit?

Nag-activate si Precious Larra Su ng kanyang Instagram account matapos siyang ihabla ng negosyanteng si Philip Laude.

Umaga ng Huwebes, January 16, 2025, nang maiulat ang petisyong writ of habeas data na isinampa ni Philip laban kay Precious sa Pasig City Regional Trial Court.

Kinahapunan noon nang mag-post si Precious sa IG Story niya ng isang makahulugang quote.

“Glad I’m the girl being talked abt and not the miserable one doing the talking,” saad sa quote.

Precious Larra Su reaction afted Philip Laude sued her

Wala mang direktang pahayag si Precious, hindi maiwasang maugnay ang kanyang post sa kinahaharap na legal battle.

Bukod dito ay hindi kaila na lumikha ng ingay ang viral screenshots ng private conversation ng isang couple na nailathala sa Instagram account ni Precious noong December 16, 2024.

Sinasabing sina Philip at Precious ang couple na nagpapalitan ng mensahe at tawag base sa screenshots na kumalat sa internet.

Si Philip ay mister ng sikat na vlogger at socialite na si Small Laude.

Noong mga oras na pumutok ang balitang hinabla ni Philip si Precious, naka-private ang IG account ni Precious.

Pero ngayong binuksan niya ito sa publiko, waring may mensaheng gustong iparating si Precious, na tila hindi natinag sa paghabla sa kanya ni Philip.

Sunud-sunod ang posts ni Precious sa IG ng litrato niyang naka-bikini sa beach, random selfie, at sexy photo na nilapatan niya ng background music.

Tila hudyat din ang pagsasapubliko niya ng kanyang IG account para makilala siya ng publiko.

Noon kasing unang nabalita ang sinasabing private convo nila ni Philip noong December ay naka-deactivate ang kanyang account.

PRECIOUS LARRA SU HUGOT POSTS

Base sa kanyang IG feed, maraming hugot quotes at captions si Precious tungkol sa heartbreak, betrayal, at letting go.

Mula September to December 2024 naging kapansin-pansin ang mga ito:

December 11

“The mistake most of us make is that we build our homes in other people in the hope that they will deem us worthy of being welcomed inside. We feel so abandoned and empty when people leave, because we’ve invested so much of ourselves in them.”

December 8, 2024

Learn to let go of what does not ask to be held.

November 23, 2024

“but the damage was done the moment our eyes met.”

November 14, 2024

Love [heart] you were the last time i was inlove with anyone.

Precious Larra posts cryptic message on what appears to be a breakup with her boyfriend.

November 12, 2024

You aint never been in love until you have begged god to help u let go.

Precious Larra posts cryptic message on what appears to be a breakup with her boyfriend.

November 9, 2024

Thank u for showing me what love is not

Precious Larra posts cryptic message on what appears to be a breakup with her boyfriend.

November 9, 2024

I was clueless and young i learnt it all on my own

November 7, 2024

He was a lesson not a love

November 7, 2024

Time: tells truth

October 6, 2024

Take me back to the night we met

September 30, 2024

Please don’t leave me in the end

Precious Larra posts cryptic message on what appears to be a breakup with her boyfriend.

September 27, 2024

The longer you entertain what’s not for you, the longer you postpone what is

September 20, 2024

I will never hate anyone, but I will Distance myself from people who do not value me.

September 18, 2024

I love seeing you happy w/o me.

Precious Larra posts cryptic message on what appears to be a breakup with her boyfriend.

September 16, 2024

There was forever in those yes

September 15, 2024

Who betrays you once, will betray you a thousand times. There is no need to drink the whole sea to realize that it’s salty @3amwounds

September 13, 2024

Pleat dont be inlove w Someone else.

PRECIOUS LARRA SU IN LOVE

Malayo ito sa IG posts ni Precious na in love ang tono ng IG posts noong 2023.

Mahihinuhang may nobyo siya base sa mga litrato ng mga natatanggap niyang bouquet of roses at cards na may sweet messages.

Noong October 6, 2023, nakatanggap siya ng flowers at balloon na may text na “Happy anniversary.”

May customized text din sa vase kunsaan nakalagay ang pangalang “larra.”

May kasama rin itong card at message na “I love you always love [heart].”

Precious Larra Su posts card from unnamed boyfriend.

Caption niya: “You’re my forever & ever–You made me believe in the idea of true love. [heart and clock emojis] thank you Mymrluckymylovemyalwaysmyforever! [kiss emoji].”

Nang sumunod na araw, ipinost pa ito muli ni Precious.

“Hi boyfriend! [eternity emoji] thank you so much iloveyouloveko [hearts] #irresistibleallure.”

Precious Larra Su flowers from boyfriend

Noong December 6, 2023, may natanggap ulit na bouquet of flowers si Precious mula sa nobyo.

May kasamang balloon na nakalagay na “Happy monthsary my love” at may pangalan uli na “larra” sa vase.

Precious Larra Su posts flowers from unnamed boyfriend.

Ang nakalagay sa card: “I love you always my girlfriend.” Sa halip na pangalan ng nobyo ay waring code name ang nakalagay sa card na “–06…”

Precious Larra Su shows greeting card from boyfriend.

May picture din si Precious kunsaan makikitang magkahawak-kamay sila ng nobyo pero di kita ang kanilang mukha.

Makikitang may suot na diamond ring si Precious sa kanyang ring finger.

Caption ni Precious sa IG carousel: “Every moment with you is a treasure. I am grateful for your presence in my life, and I cherish the bond we share. You truly are the best part of me, and I’m so lucky to have you by my side…”

Precious Larra Su posts picture holding hands with unnamed boyfriend

PRECIOUS LARRA SU AGE AND SON

Dahil binuksan ni Precious sa publiko ang IG feed, makikita rito ang ilang detalye tungkol sa kanya.

Nagdiwang siya ng ika-28 kaarawan noong June 2023. Ibig sabihin, siya ay 29 taong gulang ngayon.

Marunong din siyang magsalita ng Bisaya base sa ilang posts niya.

Precious Larra Su Bisaya post

Hindi rin niya itinatago na mayroon siyang anak na lalaki na walong taong gulang.

May IG posts siya nang magdiwang ang bata ng 8th birthday noong May 2024.

Kasama niya ito sa mga bakasyon at sa pamamasyal dito sa bansa.

PRECIOUS LARRA SU’S LUXURIOUS LIFESTYLE

Hilig din ni Precious ang mag-travel sa Asian countries.

Ilang beses siyang nagbakasyon sa Thailand, Japan, Hong Kong, at Taiwan.

Precious Larra Su hobby: traveling
Japan trip

Mahihinuhang tila maalwan ang kanyang buhay dahil hilig din niya ang mag-shopping ng luxury bags at shoes.

May mga litrato siyang ipinapakita ang tila mga pinamili niya na ang brands ay Chanel, Louis Vuitton, at Balenciaga.

Caption niya pa minsan, “Luho is life.”

Madalas din siya sa fine dining at luxury hotels.

Precious Larra Su hobby: hotels, fine dining, golf
Precious at a luxury hotel

Hilig din niya ang maglaro ng golf.

Precious Larra Su plays golf

Minsan ay ipinakita pa niyang kumpleto siya ng golf gear.

Precious Larra Su plays golf

Agaw-pansin naman ang sexy photos niya.

Marami siyang photos at videos na umaawra habang nakasuot ng bikini at lingerie.

Precious Larra Su sexy photo

May iba pa siyang posts na waring wala siyang suot at tanging kamay ang nakatakip sa dibdib niya.

Proud siya sa kanyang katawan at di niya alintana ang mag-pose nang halos walang saplot.

Sabi pa niya sa isa niyang post, “I can and i will watch me.”

Precious Larra Su sexy photo

Madalas ay sinasamahan niya ang mga iyon ng quotable quotes at captions.

Aminado naman si Precious na usap-usapan siya ng netizens pati ang pamumuhay niya.

Ni-repost kasi niya ang isang meme na gawa ng netizens na napuna na dati ay sa Chowking lang siya kumakain, pero ngayon ay sa Manila Pen na.

Tila hindi naman ito minasama ni Precious.

Sa caption niya, humirit siyang paborito pa rin daw niya ang Chowking hanggang ngayon.

Precious Larra Su reacts to from Chowking to Manila Pen meme

MOVING FORWARD

Sa huli niyang posts bago magtapos ang taong 2024 at sa pagpasok ng 2025, makikitang desidido si Precious na maging matatag at positibo sa kabila ng kung anuman ang pinagdadaanan niya.

precious larra su

Noon lamang nakaraang linggo, may ipinost siyang makahulugang quote na nagsasabing “When you understand the game, you don’t panic.”

Precious Larra Su on keeping calm