Mikoy Morales now engaged to non-showbiz girlfriend

Engaged na ang Kapuso actor na si Mikoy Morales sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Isa Garcia.

Nitong Linggo, February 2, 2025, ibinahagi ni Mikoy sa Instagram ang naging proposal niya kay Isa.

Ipinost ng aktor ang isang video na kuha sa loob ng sinehan kung saan ipinopokus ang kamay ni Isa habang ito ay kumukuha ng popcorn.

Kitang-kita rin dito ang engagement ring na suot-suot ng kanyang nobya.

Kalakip nito ang caption ng Kapuso actor na (published as is), “And so it begins [ring emoji].”

CONGRATULATORY MESSAGES FOR Mikoy aND isa

Sa comments section ng post ni Mikoy ay bumuhos ang pagbati mula sa ilang kasamahan nito sa industriya.

Kabilang sa mga nagpahatid ng congratulatory messages sina Faye Lorenzo, Arra San Agustin, Luke Conde, Ana Feleo, Inah Estrada, Ashley Rivera, Benjamin Alves, at Michelle Vito.

Mikoy Morales now engaged to non-showbiz girlfriend
Photo/s: Mikoy Morales on Instagram

 

Mikoy Morales now engaged to non-showbiz girlfriend

Bukod sa Instagram post ni Mikoy, ibinahagi rin ng mga kamag-anak at kaibigan ng aktor at ni Isa ang ilang nakakakilig na eksena sa proposal.

Ini-repost naman ito ni Mikoy sa kanyang Instagram Stories.

Sa mga photo at video, makikita na sa loob mismo ng sinehan isinagawa ni Mikoy ang kanyang wedding proposal kay Isa.

Kitang-kita rin ang pagiging emosyunal ni Isa habang pinapakinggan si Mikoy na nagsasalita habang ito’y nakaluhod sa kanyang harapan.

Mikoy Morales now engaged to non-showbiz girlfriend
Photo/s: Mikoy Morales on Instagram
Mikoy Morales now engaged to non-showbiz girlfriend
Photo/s: Mikoy Morales on Instagram
Mikoy Morales now engaged to non-showbiz girlfriend

THE PROPOSAL

Sa mahalagang araw nina Mikoy at Isa ay present ang mahahalagang tao sa kanilang buhay.

Bukod sa kani-kanilang pamilya, nasaksihan din ng malalapit na kaibigan ng dalawa ang kanilang pagmamahalan na mauuwi sa kasalan.

Sa Facebook post ng Aguila Entertainment general manager na si Jan Enriquez, ibinahagi nito ang listahan ng mga kapwa celebrity ni Mikoy na naglaan ng oras para masaksihan ang proposal nito kay Isa.

Kabilang sa mga nagpaunlak sa imbitasyon ni Mikoy sina Ruru Madrid, Mikee Quintos, Paul Salas, Chariz Solomon, Juancho Trivino, at Joyce Pring.

MIKOY AND ISA’S RELATIONSHIP

Noong July 7, 2022, ipinagdiwang nina Mikoy at Isa ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Sa isang post noon sa Instagram, binalikan ng aktor kung paano binago ni Isa ang kayang buhay at pananaw pagdating sa pagmamahal.

Aniya, “Kung alam mo lang. You have no idea how far the thought of having a love like this seemed before. You make the rest of me, the rest of life make sense.

“At this point, only time can show you how much space you occupy in my person, so here’s to marking a year as your witness and partner in things that have and will come. I love you.

“Kung posible pa lang magkaroon ng isang ikaw sa buhay ko, eh di pasimula pa nga lang talaga tayo mabuhay.”

Bago maging kasintahan si Isa, ang Kapuso actress na si Thea Tolentino ang huling nakarelasyon ni Mikoy.