Noteworthy VMX Movies of 2024: From Unang Tikim to Climax

Pitumpu’t siyam (79) na pelikulang nagliliyab ang nag-streaming sa VMX (dating Vivamax) noong 2024.

Hindi pa kabilang diyan ang 47-minute documentary na Seksi: Pantasya at Pelikula, at ang compilation na Climax hosted by Robb Guinto and Apple Dy.

Nagpapalit ng streaming date ang ibang mga pelikula, at ang iba naman ay titulo ang pinapalitan.

Meron ding nagpalit ng screen name.

Halimbawa, iyong Kabitan ay naging Kabit.

Later on ay may pelikula ring gumamit ng title na Kabitan.

Iyong Gayumang Huwad ay naging Gayuma. Ang final title nito ay Huwad.

Iyong Huling Tikim, naging Late Bloomer.

Iyong Stepmother Story, naging Mama’s Boy.

Kahit Semana Santa ay may bagong handog ang VMX.

Martes Santo nag-streaming ang Kasalo, samantalang ang TL ay natunghayan noong Easter Sunday.

Namayagpag ang mga GL (girls love) sa VMX noong nakaraang taon.

Kapansin-pansin din na maraming mga karakter ay nag-o-online casino.

Mga lalaki ang pinaka-target audience ng VMX, kaya naka-focus sa VMX babes ang promo ng mga pelikula.

Iilan din lang ang kuwento na iyong male character/s ang bida at siyang title role.

Maliban sa Mapanukso, Stag, Boy Kaldag, at Mama’s Boy, meron pa bang iba?

Lampas 12M na ang subscribers ng VMX. Ang next target nito ay 14M subscribers.

Andiyan lagi ang PARENTAL ADVISORY.

“This content contains mature themes and language that are not suitable for some audiences. PIN is required to access this content.”

NOTEWORHTY VMX MOVIES OF 2024

Heto ang ilan sa mga 2024 VMX movies na noteworthy panoorin for one reason or another.

KABIT

2 hours 3 minutes ang running time, nag-streaming umpisa Pebrero 23.

Ang pinakamahabang pelikula ng VMX last year. May mga eksena pang na-edit out.

Mayroong dula sa loob ng pelikula. Kinunan ni Direk Lawrence Fajardo sa Umali Auditorium ng UP Los Baños sa College, Laguna.

Nag-prosthetic penis ang dalawang bidang lalaki na sina Victor Relosa at Josef Elizalde.

Walang kiyeme sa mga mapangahas na eksena ang bidang babae na si Angela Morena.

Dekorasyon lamang si Dyessa Garcia. Kahit tanggalin ang karakter niya ay buo ang kuwento ng “pelikulaw.”

Sakdal-husay ang character actor na si Onyl Torres na gumanap bilang theater director na si Harry de la Fuente. Bravo!!!

kabit vmx

UNANG TIKIM

Ang unang pelikula ng VMX na nag-theatrical release.

Ipinalabas ang R-16 at R-18 version sa mga sinehan noong Agosto 7, na sakop na ng Ghost Month.

GL movie ito at umaatikabo ang girl-to-girl scenes ng dalawang bida na sina Angeli Khang at Robb Guinto, sa direksyon ni Roman Perez Jr.

Mistulang palamuti lang ang hunk actor dito na si Matt Francisco.

Ang uncut version ay nag-streaming noong Nobyembre 29. Ang running time ay 1 hour 39 minutes.

unang tikim vmx

Ang ikalawang VMX film na ipinalabas sa local cinemas ay ang period film na Celestina: Burlesk Dancer.

Nag-showing ito noong Disyembre 4, kasabay ang Gladiator II, Dirty Money, at Trapezium.

Tinampukan ito nina Yen Durano, Christine Bermas at Sid Lucero. Idinirek ni Mac Alejandre, mula sa panulat ni National Artist Ricky Lee.

Hindi pa naka-announce kung kailan ang VMX streaming ng Celestina: Burlesk Dancer.

Wala pang balita kung ano ang pangatlong VMX movie na ipapalabas sa mga sinehan.

butlesk dancer

RITA

Ang unang VMX movie na idinirek ni Jerry Sineneng.

Comeback film ni Josh Ivan Morales na JCC Calendar Boy 2005 at bumida sa tatlong installment ng Manila Exposed series.

Walang keber si Josh Ivan sa pagbubuyangyang ng kanyang private part noon pa man. Sa VMX, nakaplaster siya gaya ng iba pang VMX actors.

Nagpasirku-sirko si Josh Ivan sa pakikipagharutan kay Christine Bermas, ganoon din kay Victor Relosa. Nakaka-tense ang kanilang pagti-threesome.

Marso 22 nag-streaming, at ang running time ay 1 hour 53 minutes.

rita vmx

Itinampok din sina Josh Ivan at Victor sa huling pasabog ng VMX, iyong Mama’s Boy na nag-streaming noong Disyembre 31.

Magtatay naman ang papel nila rito, at ang kanilang dramahan ay tagos sa atay.

BOY KALDAG

Mapanganib. Huwag tikman, nakamamatay.

Ayon sa albularyo, may kaakibat na sumpa ang kadakilaan ni Boy Kaldag.

Pahulaan kung sino ba ang tunay na tatay ni Boy Kaldag — si Tatay Mola, si Tatay Kabayo, o kung sino man.

Sex comedy ang pelikulang ito ni Direk Roman Perez Jr.

Absurd ang mga puksaan na pinagdaanan ni Boy Kaldag, na ginampanan ni Benz Sangalang.

Updated version ito ng launching film ni Jay Manalo na Totoy Mola (1997).

Kung si Totoy Mola ay sumikat bilang macho dancer sa gaybar, si Boy Kaldag ay TikTok sensation.

Kabilang sa mga dilag na pumukaw sa pagkalalaki ni Boy Kaldag sina Dyessa Garcia, Angeli Khang, Ayanna Misola, Azi Acosta, at Aiko Garcia.

Eksenadora si Rubi Rubi bilang Tiya Dolor.

May shining moment kahit paano sina Chad Solano at Jero Flores na mga aleli abadilla ni Boy Kaldag.

boy kaldag vmx

EKS

Ang nag-iisang trilogy sa VMX noong 2024.

Yen Durano times 3 bilang Lisa, Lara at Lilak.

Ang total running time ng tatlong episodes ay 1 hour 59 minutes.

May mga matulaing linyahan.

“Ekspresibo” — co-stars sina Felix Roco, Nathan Cajucom, Ayah Alfonso at Terrence Villanueva, sa direksyon ni Roman Perez Jr.

“Eksperto” — co-stars sina Albie Casiño, Chester Grecia, Gabriel Fernandez, RR Lopez, Athena Moran at Ella Sheen, sa direksyon ni Omar Deroca.

“Eksperimento” — kinunan sa Paete, Laguna. Co-stars sina Audrey Avila, Itan Rosales, Raffy Tejada at Ma. Denice Valeda, sa direksyon ni Sigrid Polon.

eks vmx

CITA

Matikas ang character actor na si Francis Mata sa pakikipaglampungan kay Zia Zamora. Palaban kay Mang Kanor.

Senior citizen na si Francis, na gumanap bilang Pilosopo Tasio sa Kapuso primetime series na Maria Clara at Ibarra.

Maraming eksena ang na-edit out kaya 49 minutes lang ang running time.

Bahagi ng logline: “sexually charged story about a young woman who secretly sleeps with her husband’s son.”

Ang title role ay si Erika Balagtas, at ang direktor ay si MJ Balagtas.

Nasa cast din sina Arjay Bautista, Enzo Ruiz, Trixie Emmanuel, Bongjon Jose, Mhon Cabs Sy, Mabel Reyes, Jojo de Guzman, Karl Reyes, Lucky Villaflores, at Kim Orpiada.

Nag-streaming noong Hunyo 18.

Ang kuwento ng mag-amang nagsalo sa kandungan isang babae ay tinalakay rin sa Salisihan, Daddysitter, at Mama’s Boy.

cita vmx

KARINYO BRUTAL

Ang huling proyekto ni FDCP Chair and CEO Jose Javier Reyes sa VMX.

Dito unang nagpakitang-gilas sina Armani Hector at Guion Espinosa na gumanap bilang magpinsan.

Nasa cast din sina Apple Dy, Benz Sangalang, Maebelle Medina (siya rin ba si Manang Medina?), Caira Lee, Aries Go, April Anne Aguila Dolot, Ezra Domingo, Eddie Lang, at Lani Tapia bilang Manang Cedes.

1 hour 31 minutes ang running time ng Karinyo Brutal, “a story about sadistic passion and obsession.”

Nag-streaming noong Enero 12.

karinyo brutal vmx

Ang VMX projects before ng multi-awarded scrptwriter and director na si Direk Joey ay ang four-episode series na An/Na starring Janelle Tee, ang four-episode anthology na Secret Campus na for rent na sa VMX Plus, at ang mga pelikulang Secrets, Tag-init, at Patikim-tikim.

SALAWAHAN

Nag-streaming noong Pebrero 2.

Creative consultant: Valerie del Rosario.

Supervising producer: June Torrejon-Rufino.

Producer: Vincent del Rosario III.

Executive producer: Vic del Rosario Jr.

Ito ang huling pelikula ng VMX na nasa opening credits sina Boss Vic, Vincent, Valerie at Ma’am June.

Idinirek ni Jeffrey Hidalgo, mula sa panulat ni Raquel Villavicencio.

Ang running time ay 1 hour 58 minutes.

Nasa cast sina Angeli Khang, Albie Casiño, Sheila Snow, Van Allen Ong, Itan Rosales, Chloe Jenna, at Max Durano.

salawahan vmx
(L-R) Salawahan director Jeffrey Hidalgo, stars Itan Rosales, Sheila Snow, Angeli Khang, and Albie Casino 

Photo/s: VMX Philippines

MAPANUKSO

Smorgasbord.

Una at huling pelikula na bida at sama-sama ang VMX Boys na Sean de Guzman, Itan Rosales, Marco Gomez, Calvin Reyes, at Marco Gomez bilang grupo ng macho dancers.

Meron silang kani-kanyang kuwento ng pakikipagsapalaran. Bongga ang showdown nila sa kaldagan.

Tampok din sina Tiffany Grey, Ataska, Rica Gonzales, Thia Ledesma, Cath Ventura, Apple Castro, Panteen Palanca, Alvaro Oteyza, at Boobita bilang Madame E.

Idinirek ni Jose Abdel Langit.

Ang running time ay 1 hour 34 minutes.

Nag-streaming noong Marso 15.

mapanukso vmx

STAG

Dark comedy, written and directed by Jon Red.

“Pelipula” na ang voice over ni Jaime Fabregas sa umpisa habang tumatakbo si Gold Aceron, “Gusto nyo bang makarinig ng isang ibang klaseng kuwento?

“Isang kuwento tungkol isang nilalang na may hinahanap sa buhay pero hindi niya alam kung ano ito.

“Kayamanan, tagumpay, o pag-ibig kaya? O baka naman ang hinahanap lang niya ay ang nawawala niyang sarili?”

Makasining at malikhain ang cinematography.

Nasa cast din sina Arah Alonzo, Denise Esteban, Aerol Carmelo, Yda Manzano, at Alan Paule.

Ang running time ay 1 hour 26 minutes.

Nag-streaming noong Abril 5.

stag vmx

KISKISAN

Sunud-sunod ang pakikipagkiskisan at pakikipagkaskasan ni Juan Paulo Calma kina Robb Guinto, Apple Dy, at Skye Gonzaga.

Nasa cast din si Tabs Sumulong bilang Tita Luring na pasilip-silip sa mga tontingan at kangkangan.

59 minutes ang running time ng Kiskisan, na idinirek ni Bobby Bonifacio Jr.

Nag-streaming noong Setyembre 27.

kiskisan vmx

SISID MARINO

Ang pagbabalik-VMX ng multi-awarded director na si Joel Lamangan.

Nag-iisang VMX movie ni Direk Joel last year.

Nagpa-breastfeed si Julia Victoria kay Jhon Mark Marcia. Nakakadiliryo.

Nag-frontal sila sa sukdulan ng pelikula pero malayo ang drone shot ni Direk Joel. At hindi babad.

Nasa cast din sina Ataska, Cariz Manzano, Juan Paulo Calma, Jim Pebanco, Dorothy Gilmore, Yda Manzano, Marcus Madrigal, Caramel, Melando Pingol, Rave Obado, Benjie Felipe, Ayah, Daniela Carolino, Redd Agoncillo, Jace Ramos, Ian Mendoza, Bongjon Jose, Neneth Deonosa, at Calvin Delahoya.

Ang running time ay 1 hour 40 minutes.

Nag-streaming noong Hunyo 14.

Kabilang sa VMX movies before ni Direk Joel ang Biyak, Silab, Moonlight Butterfly, Island of Desire, Girl Friday, at Fall Guy.

sisid marino vmx

RED FLAG

Idinirek ni Lakambini Morales.

Mahiwaga ang pangalan ng direktor, nakakabighani ang ipinahihiwatig.

Bida sina Micaella Raz, Mon Mendoza, Joana David, at Mhack Morales.

Ang running time ay 46 minutes. Nag-streaming noong Abril 26.

red flag vmx

CLIMAX

Handa na ba kayong mag-init? Gusto nyo na bang pagpawisan?

Paanyaya pa ng hosts na sina Apple Dy at Robb Guinto sa trailer, “Pinili naming mabuti ang mga nakakapasong eksena mula sa matatapang na pelikula para makabuo ng listahang pananabikan nyo.

“Samahan nyo kami at ipapatikim namin sa inyo ang kakaibang… Climax.”

Ang running time nito ay 1 hour 13 minutes. Nag-streaming ito noong bisperas ng Pasko.

Ang pang-Noche Buena’ng mga listahan ng countdown na ito…

climax vmx

Top 5 FIRST TIME Scenes

DONSELYA, Dyessa Garcia, Anthony Davao, and Arnold Reyes

MAHAROT, Aiko Garcia and Victor Relosa

UNDERGRADS, Rica Gonzales and Van Allen Ong

TAHONG, Candy Veloso and Emil Sandoval

UNGOL, Stephanie Raz and Chad Solano

Top 5 SOLO Scenes

KAPALIT, Cess Garcia

HIMAS, Sahara Bernales

PRIVATE TUTOR, Christy Imperial

BUTAS, Angela Morena

INIT, Dyessa Garcia

Top 5 SILIP Scenes

ANG KAPITBAHAY, Christine Bermas, Chester Grecia, and Clifford Pusing

TOP 1, Christy Imperial, Armani Hector, and Mariane Saint

SILIP, Rica Gonzales, Lea Bernabe and Karl Aquino

DILIG, Dyessa Garcia, Chad Solano and Rica Gonzales

MARYANG PALAD, Jem Milton, Mark Dionisio, and Vince Rillon

Top 5 GROUP FUN Scenes

EKS, Yen Durano, Audrey Avila and Itan Rosales

KISKISAN, Robb Guinto, Apple Dy, Skye Gonzaga, and Juan Paulo Calma

PILYA, Dyessa Garcia, Cess Garcia, Dani Yoshida, Ivan Ponce, and Jero Flores

THROUPLE, Audrey Avila, Sahara Bernales, and Aerol Carmelo

RITA, Christine Bermas, Victor Relosa, and Josh Ivan Morales

Top 5 GIRL ON GIRL Scenes

HALINGHING, Aiko Garcia and Jenn Rosa

BEDSPACER, Micaella Raz and Christine Bermas

PACKAGE DEAL, Angelica Hart and Mariane Saint

KABITAN, Athena Red and Alessandra Cruz

UNANG TIKIM, Robb Guinto and Angeli Khang