Shocking Revelation: Blake Lively Sinagad ang Paghahain ng Sexual Harassment Case!

Inakusahan din ni Blake si Justin na nag-udyok ng smear campaign laban sa kanya
Blake Lively
Inakusahan ni Blake Lively ang kanyang It Ends With Us co-star at direktor na si Justin Baldoni (wala sa larawan) ng sexual harassment. Inakusahan din niya si Justin na nag-udyok ng smear campaign laban sa kanya.

PHOTO/S: Screengrab / YouTube

Sinampahan ni Blake Lively si Justin Baldoni, ang kanyang co-star sa It Ends With Us , n g reklamong sexual harassment.

si blake masigla ang pagtatapos nito sa amin
Blake Lively

Sa legal filing ng Hollywood actress noong Biyernes, December 20, inakusahan niya rin si Justin, na siya ring direktor ng pelikula, na nagplano ng isang smear campaign para sirain ang kanyang reputasyon.

Basahin: Inaasahan nina Blake Lively at Ryan Reynolds ang kanilang unang anak

INAAKUSAHAN DIN NI BLAKE si JUSTIN NA NAGSISIMULA NG SMEAR CAMPAIGN LABAN SA KANYA

Saad ni Blake, nag-hire umano si Justin ng isang PR firm para sirain ang kanyang pangalan dahil nagreklamo siya laban sa mga pang-aabuso ni Justin sa kanya, at sa iba pang babae, sa set ng It Ends With Us .

Noong May 5, 2023 sinimulan ang shooting ng pelikula na hango sa isang sikat na libro, na tungkol sa isang babae na nakaligtas sa pang-aabusong sekswal.

Noong ipino-promote ang pelikula bago ang premiere nito noong August 2024 ay lumabas na ang mga usap-usapang hindi magkasundo ang dalawang bida. Napansin kasi ng mga fans na hindi nagsasama ang dalawa sa pag-promote.

Lumabas din ang mga tsismis na mahirap katrabaho si Blake at marami raw itong demands sa set.

Sa legal filing ni Blake, sinabi nitong planado ni Justin ang pagkakalat ng mga rumors na ito laban sa kanya. Nag-hire umano siya ng isang malaking PR firm para isakatuparan ang paninira.

Saad pa ni Blake, ginawa raw ito ni Justin dahil natakot itong ikalat ni Blake ang reklamo niya laban kay Justin noong shooting.

Ilan sa mga ito ay ang pagbibitaw ng actor-director ng sexual jokes, pagkukuwento ng mga kabastusan.

May nangyari rin umanong paninilip sa kanya habang nagpapalit siya ng damit o nagbe-breastfeed.

Nagdagdag din si Justin ng ilang sexual scenes sa script kahit walang consent ni Blake.

Naramdaman umano ni Blake na hindi siya ligtas sa set ng pelikula kaya’t laging nasa set ang asawa niya, ang sikat ding aktor na si Ryan Reynolds.

Dahil sa reklamong isinampa ni Blake ay inalis na si Justin ng WME Talent Agency sa listahan nila ng mga talent.

Kumita ang It Ends With Us movie ng mahigit 350 million dollars. Dahil sa reklamong isinampa ni Blake, hindi na malinaw kung matutuloy ang pinaplanong sequel nito.