Last November 2024 ay bumisita ang isang Indian guy na nakilala lang sa pangalang Dinesh sa Arulmigu Kandaswamy Temple.
Ang naturang temple ay nasa Thiruporur, isang bayan na nasa Chengalpattu district sa Indian state of Tamil Nadu.
Kasama ni Dinesh, isang deboto, ang kanyang pamilya.
Habang nasa loob ng temple at nag-aalay ng panalangin, nagkaloob din siya ng donasyon sa patron.
Naramdaman umano ni Dinesh na dumulas mula sa kanyang bulsa ang kanyang iPhone—na hindi na nabanggit kung anong model.
Diretsong nahulog iyon sa hundial, isang donation box na yari sa metal.
Ang insidente—na may kakaibang twist—ay iniulat sa X (formerly Twitter) ng user na may handle na @vijeshetty last December 21, 2024.
IPHONE HINDI NA PINAYAGANG MAIBALIK SA OWNER
Lumapit si Dinesh sa mga opisyal ng temple at ipinaliwanag sa mga ito ang nangyari.
Hiniling din niya na makuha mula sa metal donation box ang kanyang iPhone.
Sa kanyang pagkabigla, tinanggihan ng mga ito ang gusto niyang mangyari.
Paliwanag ng mga opisyal ng temple, batay sa ipinatutupad na rules, ang anumang bagay na nailagay na sa hundial ay itinuturing nang donasyon at hindi na maaari pang bawiin—kusang loob man o aksidenteng naisilid doon—dahil naging pag-aari na iyon ng patron ng temple.
Sinabi rin ng mga ito sa kanya na ang hundial ay binubuksan lang nang isang beses sa loob ng dalawang buwan.
OWNER NG IPHONE, NAGHAIN NG REKLAMO
Hindi nawalan ng pag-asa si Dinesh na mababawi pa niya ang kanyang iPhone.
Naghain siya ng reklamo sa mga opisyal ng Hindu Religious and Charitable Endowments.
Hiniling din niya sa mga ito kung kailan bubuksan ang hundial.
Last December 21, nang buksan na ang metal box, present siya para kunin ang kanyang iPhone.