Kung ang pagbabasehan ay ang mg lumalabas na mga balita na ang pelikulang And The Breadwinner Is… ang nangunguna among the ten official 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entries, masasabing si Vice Ganda pa rin ang humahawak ng trono bilang number one pa rin sa takilya pagdating sa taunang film festival.
![and the breadwinner is poster](https://contents.pep.ph/images2/images2/2024/12/29/and-the-breadwinner-is-1735464282.jpg)
Dahil nga sa mga box-office success ng kanyang mga past MMFF movies tulad ng Sisterakas; Girl, Boy, Bakla, Tomboy; The Amazing Praybeyt Benjamin; at The Mall, The Merrier, tinagurian si Vice bilang Asia’s Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vice sa katatapos na 50th Metro Manila Film Festival Award’s Night na ginanap sa grand ballroom ng Solaire Resort and Casino nitong nakaraang December 27, 2024, hiningan namin ng reaksiyon ang TV host sa balitang nangunguna sa takilya ang pinagbibidahang pelikula.
Lahad niya, “Kung totoo man, achieve, pero di pa naman naglalabas ang MMDA ng official gross [results], so di pa natin alam kung make-claim natin yun. Pero base sa naririnig ko, yun nga raw—malakas, puno ang mga sinehan, sold-out.
“Masayang-masaya kami, ang daming nakapanood nitong pinagmamalaki naming pelikula.”
Tinanong din si Vice kung inasahan ba niya na dahil sa And The Breadwinner Is… ay muli nilang masusungkit ang no. 1 slot sa sampung official entries ng 2024 MMFF.
VICE GANDA ON KEEPING HER TITLE AS BOX-OFFICE SUPERSTAR
Saad niya, “Hinope ko, pero yung in-expect di naman natin kasi maiuutos yun.
“You only hope na mag-number one, na marami ang makapanood, kasi siyempre… kasi lalo na kung pinaghirapan mo talaga.
“Ang dami niyong nagtulung-tulong para sa isang magandang project, unang-una para maraming makapanood.
Hindi raw aware si Vice tungkol sa issue ng pagbabawas umano ng mga sinehan sa mga di gaanong kalakas sa takilya, at sa pagdagdag naman ng mga sinehan para doon sa mga mas kumikita, gaya nga ng And The Breadwinner Is…
Pag-amin niya, “Di ako aware.”
VICE GANDA RAVES ABOUT 50TH MMFF’S SUCCESS
Ang And The Breadwinner Is… ay pinarangalan ng Gender Sensitivity Award at si Vice naman ay pinagkalooban ng Special Jury Citation award.
Para kay Vice, labis niyang ikinatuwa na naging parte ng 50th MMFF Gabi ng Parangal.
Aniya, “Pinag-uusapan namin ni Ate Vi yun.
“Ang sarap ng feeling na na-experience ko yung ganito, kasi second award’s night pa lang na filmfest na na-e-experience ko yung ganito, tapos ang enggrande niya.
“Sabi rin ni Ate Vi, ang sarap din na naibabalik na yung glitz and glamour kasi yung mga recent sa theater lang yung award, di ganitong celebratory siya na may dinner.
“Yung mga artista sa simula pa lang nandun tapos nag-i-stay, hindi yung in and out lang.
“Kasi yung na-attend-an ko dati, pagkadating umalis din, di sila nagsasama-sama.
“Nakakatuwa, ang sarap makita at maging part nitong 50th anniversary ng Metro Manila Filmfest.”
VICE GANDA HOPEFUL FOR more COLLABs WITH ATE VI
Sila Vice at Vilma Santos ang nagkaloob kay former President Joseph Ejercito Estrada ng Lifetime Achievement Award bilang Ama ng MMFF dahil sa mga kontribusyon nito sa naturang award-winning body.
Marami ang natuwa at nagsabi na sana ay magsama sa isang proyekto sila Vice at Star For All Seasons.
Lahad niya, “Dream ko naman yun, dream ko talaga na makasama siya bilang isa sa pinakaunang pelikula ko, yung In My Life, saka may maganda kaming samahan ni Ate Vi, e. Sana, sana mabjgyan ako ng chance uli na makasama siya.”
VICE GANDA THANKFUL TO GMA-7
Napapanood hanggang sa ngayon sa GMA ang It’s Showtime pagkatapos ng negosasyon at pagpirma muli ng kontrata sa Kapuso network. Masaya si Vice na mapapanood pa rin ito sa Kapuso network.
“We’re very thankful to GMA, very grateful.
“Yung pakiramdam namin, lalo kaming na-i-inspire na magpakita ng magandang programa sa madlang pipol everyday dahil sa pagkakataon na binigay sa amin ng GMA talagang pinagpapasalamat namin.
“Sa puntong ito, wala, talagang naghihintay lang kami kung sino ang tutulong sa amin at tatanggapin kami. Mabuti na lang napakabait talaga ng GMA,” pagpapasalamat ng Unkabogable Star.