Judy Ann Santos reacts to potential Best Actress win at MMFF 2024

Isa si Judy Ann Santos sa hinuhulaang magwawagi ng Best Actress trophy sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 Gabi ng Parangal sa darating na December 27, 2024.

Bukod kay Judy Ann, frontrunners din sa major acting awards sina Star for All Seasons Vilma Santos para sa pelikulang UninvitedAicelle Santos sa HimalaJulia Montes sa Topakk, at Julia Barretto sa Hold Me Close.

MMFF 2024 Best Actress race

JUDY ANN SANTOS: “it’s very glamorous, but it’s tedious.”

“Cliché” ang natatawang reaksiyon ni Judy Ann nang sabihan siyang napakahusay ng kanyang pagganap.

Sa lunch get-together niya with press, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nitong nakaraang December 22, in-elaborate niya kung bakit.

“Alam mo, sa lahat naman ng mga reviews na ganyan, yung masabing ganun, maaaring cliché, pakinggan.

“Palagi naman nilang sinasabing na, ‘Best Actress ka dito,’ pero sa totoong salita, napakaraming magagandang pelikula.

“Maraming silent movies na hindi mo masasabi kung sino yung puwede maging Best Picture, maging Best Actor, maging Best Actress.

“Kasi ang daming magaganda talaga sa latag ngayon ng entries.

“Pero para mapansin yung trabaho namin, naming lahat sa Espantaho.

“I think we did a very good job. That alone nakakataba na ng puso.”

Five years ago huling napanood si Judy Ann sa Metro Manila Film Festival through Mindanao.

At that time, siya ang nagwagi bilang Best Actress.

Marami ang umaasang sana ay makamit niya ulit ang acting trophy sa pamamagitan ng Espantaho.

Aniya, “Ako naman, masaya ako na tumawid yung trabaho namin sa mga tao.

“Naramdaman nila, yung pagod, hirap, at emosyon na binigay namin natakot sila kahit ang papaano.

“Kumbaga, napakalaking Christmas bonus kung sakali man.

“Kasi nandiyan sila Ate Vi, nandiyan sila Aicelle, Julia, ang daming mahuhusay.

“And nung nakita ko yung latag ng mga trailers nila, ang titindi din nung mga bata.

“Kumakasa rin sila sa aktingan.

“Nakaka-proud, nakakatuwang isipin na marami ng sumeseryoso sa larangan ng pag-arte na hindi na lang ito basta pera-pera na lang, hindi na lang ito basta pagpapaganda.

“And I’m happy na nirerespeto nila itong trabaho na ito bilang pagiging isang artista.

JUDY ANN SANTOS: “I think that’s a good thing kasi hindi ka kumakampante…”

Noong napanood niya ang pelikula nila, ano ang masasabi niya?

“Alam mo hindi talaga ako magandang gauge ng pelikulang ginagawa ko.

“Totoo iyan. Hindi talaga ako nakakampante sa bawat pelikula na ginawa ko, even from years ago, parang feeling ko, ‘Puwedeng ginalingan ko pa dito. Ah, dito parang medyo mas okay siguro kung ito yung nuance na naisip ko dapat yun na pala yung ginawa ko.’

“Hindi lang ako believe siguro sa aking sarili pagdating sa trabaho kasi…

“And I think that’s a good thing kasi hindi ka kumakampante sa sarili mong trabaho.

“Kumbaga palagi kang on your toes when it comes to whatever part of the job or kung ano man yung role na binigay sa iyo.”

Ibig ba niyang sabihin ay nakukulangan siya sa ibinigay niyang acting sa Espantaho?

Sagot niya, “Actually nakakapit lang ako sa pag sinabi ni Direk Chito [Roño] na, ‘Okay, change set-up.’ ‘Ah okay, sige, sige, tama yung ginawa ko.’

“Kasi hindi ka naman bibitawan ni Direk Chito sa eksena kung hindi siya happy sa trabaho yung ginawa mo, e.

“So para magsabi siya na okay, moving on. Pero pag kailangan pang puliduhin, sasabihin naman talaga niya, ima-mic pa niya.”