Catriona Gray caught on cam crying at TJ Monterde’s concert

Naging emosyunal si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa concert ng singer na si TJ Monterde.

Nitong Linggo, February 2, 2025, dumalo si Catriona kasama ang ilang kaibigan sa ikalawang araw ng three-night, sold-out concert ni TJ, ang Sarili Nating Mundo, sa Araneta Coliseum.

Sa mga kuhang video ng netizens sa nasabing concert, makikita ang paghikbi at pagpatak ng luha ni Catriona nang kantahin ni TJ ang single niyang “Hanggang Dito Na Lang.”

Narito ang lyrics ng kanta na nagpaiyak sa beauty queen:

Akala ko’y habangbuhay tayoAkala ko’y hanggang duloKay haba pa ng kalsadaDito na ba tayo bababa

Kung ganito na nga ba’ng usapanKung dito na ang hanggananDapat sigurong iwasanAng mga minsang kamustahan

Mga nakasanayanDapat ng kalimutanUpang di tayo magkasakitan

Hanggang dito na langHanggang dito na langIkaw ba ang nagbago o ako o tayoBaka tayo. Hanggang dito na lang.

Nagawa pang i-flash sa LED screen ang pagiging emosyunal ng dating Miss Universe, bagay na ikinagulat ng ilang concertgoers at dahilan para sila ay mapahiyaw.

Catriona Gray gets emotional at TJ Monterde's concert

Agad namang pinatahan at dinamayan si Catriona ng mga katabi niya sa upuan—kabilang na ang malapit niyang kaibigan na si Isabel Oli.

SAM MILBY ALSO SPOTTED AT TJ MONTERDE’S CONCERT

Bukod kay Isabel, spotted din sa ikalawang araw ng concert ni TJ ang ex-boyfriend ni Catriona, ang actor-singer na si Sam Milby.

Kung susumahin, tatlong upuan lang ang pagitan nina Sam at Catriona nang manood sila ng concert ng kapwa nila Cornerstone artist na si TJ.

Catriona Gray gets emotional at TJ Monterde's concert

Ito rin ang isang dahilan kung bakit nalulungkot ang kanilang fans dahil imposible raw hindi nakita ni Sam ang pagiging emosyunal ni Catriona.

Sina Sam at Catriona ay dating engaged couple.

Komento ng isang netizen sa viral video ni Catriona habang siya’y umiiyak, “Ang awkward umiyak, nandiyan yung iniiyakan huhu.”

Saad ng isa, “Umattend lang ng concert, napa-relapse pa.”

Sabi pa ng isa, “Dedma kunwari si Sam pero deep inside nasasaktan din yan na makita si Catriona na umiiyak. Siyempre lalaki yan, hindi magpapakita ng kahinaan.”

CATRIONA GRAY, SAM MILBY CALLED OFF THEIR ENGAGEMENT?

Hanggang ngayon ay wala pang nagsasalita kina Catriona at Sam sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Pero hindi nakalusot sa mapanuring mata ng netizens ang biglaang pagbura ni Catriona sa engagement photos nila ni Sam noong May 2024.

Dahil dito, umugong muli ang haka-hakang tuluyan nang naghiwalay sina Catriona at Sam at hindi na matutuloy ang nakaplano nilang pagpapakasal.

Noong Febuary 8, 2024, napabalitang break na sina Catriona at Sam nang mapansin ng kanilang tagahanga na hindi na suot ng dating Miss Universe ang kanyang engagement ring.

February 4, tila binasag ng engaged couple ang hinala sa kanilang relasyon nang maispatan silang magkasama.

Sa litratong in-upload ni John Prats sa Instagram, makikita ang tila pakikipag-double date nila ng kanyang asawa na si Isabel Oli kina Catriona at Sam.

Febuary 24, muli silang naintriga nang naiulat sa isang vlog na totoong break na ang dalawa.

Ayon sa vlog, may nakapagsabing source na matagal nang hiwalay sina Catriona at Sam ngunit nananatiling magkaibigan ang dalawa.

Sa katunayan daw, nang nagdiwang ng ika-30 kaarawan si Catriona noong January 6, 2024, ay wala na sila ni Sam.

Napagtanto raw kasi ng aktor na hindi pa siya handang magpakasal kay Catriona matapos mag-propose ng aktor noong February 16, 2023.

Hanggang noong February 28, 2024, tuluyan nang inamin ng Cornerstone Entertainment, ang talent management ng dalawa, na kasalukuyang may hinaharap na pagsubok ang relasyon nina Catriona at Sam.

Pero sinusubukan naman daw ng dalawa na ayusin ito.

Bahagi ng pahayag ng talent management company: “We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.”

Nakiusap ang Cornerstone na bigyan muna ng pribadong panahon ang dalawa habang inaayos nila ang kanilang gusot.

“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”