Hindi magpa-Pasko sa loob ng kulungan si Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque.
Ito ay matapos sang-ayunan ng korte ang kanyang motion to quash warrant of arrest.
Ibig sabihin nito, laya na siya nitong December 23, 2024, o dalawang araw bago mag-Pasko.
Ayon sa post ng Cento News Online, “Motion to Quash ng kampo ni Pandi Mayor Enrico Roque kinatigan ng korte… Mayor Rico Laya na!”
Ayon naman sa post ng Newscore Bulacan, “BREAKING NEWS:
“Pandi Mayor Enrico Roque goes home.
“Court grants motion to quash warrant of arrest.”
Sa panayam niya sa Newscore Bulacan, sinabi ng alkalde, “E, the show must go on, dapat balik na ako sa munisipyo. Mayor pa rin ako ng 180 thousand na populasyon ng bayan ng Pandi.”
Ikinatuwa naman ito ng ilang mga kababayan ni Roque:

MAYOR ENRICO ROQUE, 2 OTHERS ARRESTED FOR RAPE
Inaresto ng Northern Police District (NPD) si Roque dahil sa kasong rape noong December 17, 2024.
Kinumpirma ni Police Colonel Satur Ediong, director ng Bulacan Police Provincial Office, ang pag-aresto sa alkalde at dalawa pang indibidwal.
Ayon kay Ediong, nakipag-ugnayan sa kanila ang NPD-District Special Operations Unit para sa pagsisilbi ng warrant of arrest kay Roque dahil sa kasong rape na inilabas ng Caloocan Regional Trial Court.
Base sa ulat ng dzBB noong araw na iyon, kasama ring inaresto si Pandi councilor JonJon Roxas at isang Roel Raymundo.
Maayos daw na sumama sa pulisya si Roque at dalawa pang akusado.
Sa hiwalay na ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Metro Manila police chief PBGen Anthony Aberin sa isang pahayag, “This operation is a strong reminder that no one is above the law.
“Our assurance is that NCRPO will pursue justice without fear or favor, ensuring accountability for everyone.”
Ayon naman sa kampo ni Mayor Roque, ang mga alegasyon ay gawa-gawa lamang at “politically motivated.”
Ayon sa dokumentong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inaprubahan ng korte ang pag-akyat sa husgado ng reklamong panggagahasa laban kina Roque noong May 2024.
No bail recommended ang kaso.
Naghain sila ng motion to quash the arrest warrant and information, na kinatigan ng korte.